Sunday , December 22 2024
Sandro Muhlach Gerald Santos

Netizens nadesmaya sa mga senador na dumidinig sa kaso nina Sandro at Gerald

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

TILA mas nakakuha pa ng simpatya ang mga sinasabing bumiktima kay Sandro Muhlach matapos ngang makita ng mga tao ang tila “husgadong” pagtatanong, paggisa, at pagpapa-amin ni Senador Jinggoy Estrada sa mga ito.

Ganyan ba ang Senate hearing in aid of legislation? Pilitan, pitpitan at kapag hindi nagustuhan ang sagot sa tanong eh magmumura at magbabantang mag-walk-out?,” hirit ng mga netizen na tila nadesmaya sa proseso.

Wala nga silang nagawa sa pagtakas ni Mayor Alice Guo na sobra-sobra ang impact ng kaso sa buhay ng mga Filipino,” segue pa ng ilan.

At ngayong nakisawsaw (termino mismo) nga si Gerald Santos sa usapin na nagdeklarang siya nga ay ni-rape noong 15 years old siya, hanggang saan kaya aabot ang “in aid of legislation” ng Senado para mabigyan talaga ng hustisya ang mga deserving makakuha nito?

Yes, parte na rin ngayon ng pagdinig sa Senado ang kaso ni Gerald na sumisigaw ng “na-rape” ng isang musical direktor ng GMA 7 na nakaapekto sa kanyang career kahit ngayong nasa early 30’s na siya.

And yes too, sinasabi nga ng GMA 7 ngayon na ‘kusang’ nagpa-rilis ng kanyang kontrata ang singer noong mga time na ‘yun.

About Ambet Nabus

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …