PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SA September 10 ay magaganap sa EDSA (from North to South) ang pagpipinta sa mga bakanteng walls to honor MMFF movies since the festival started in the 70’s.
Titiyakin nga ng MMDA leadership ni Atty. Dan Artes at ng iAcademy school na magiging makulay, maganda, at magiging historical site kumbaga ang walls sa EDSA.
Ire-replicate nga ang mga movie poster ng mga naging MMFF entries at ang mga new generation of artists ngayon ang magsasagawa nito.
Pare-pareho ang sizes pero magkaka-iba ang execution to ensure na balanse ang magiging display nila.
Personally, we expect to see ‘yung mga PANDAY movies ni FPJ, ang Mano Po series, ang Shake Rattle and Roll, mga Vilma Santos movies lalo na ‘yung Burlesk Queen, Rubia Servious, Haplos, Karma, Langis at Tubig, Imortal at iba pa. Ang mga classic films na Brutal, Moral, Karnal, Ganito Kami Noon Paano Kayo Ngayon, at napakarami pang iba hanggang sa current na naging entries.