ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
SECOND TIME ng sasabak sa musical play ang award-winning child actress na si Elia Ilano. Ito’y via The Miracle Of Fatima Musical Play na gagampanan niya ang role ni Lucia Dos Santos na kabilang sa nakasaksi sa apparition ng Our Lady of Fatima noong May 13, 1917 sa bansang Portugal.
Nauna rito, tinampokan ni Elia ang Maria Goretti The Musical sa ilalim ng Philippine Stagers Foundation ni Direk Vince Tanada.
Sa The Miracle Of Fatima Musical Play, masasaksihan ang isang makasaysayang pangyayari na naganap sa Fatima, sa ilalim ng anti-cleric régime sa Portugal noong May 13, 1917. Dito’y nakita ng tatlong bata, sina Lucia Dos Santos, Francisco Marto, at Jacinta Marto ang isang magandang babae na nagsabing siya’y mula sa langit.
Sinabi ng babae ang prophecies sa tatlong bata, siya’y nangako rin ng great miracle para makita ng lahat sa kanyang last visit, patunay na ang mga bata ay nagsasabi ng katotohanan.
Mabilis na kumalat ang balita at bawat buwan ay dumarami ang mga tao at ng bandang August ay dumagsa ang libo-libong tao para panoorin ang tatlong bata. Ang mga bata ay nanalig sa pangako ng magandang babae na nagsabing siya’y mula sa langit at noong October 13th, 1917, ang miracle of the sun ay nasaksihan ng halos 70,000 tao.
Ayon sa mga bata, kaya nagpakita ang magandang babae ay para bigyan ang sangkatauhan ng solusyon para sa kapayapaan sa mundo.
Ang mga eksenang ito ay ilan lang sa higlights ng ‘The Miracle of Fatima, The Musical’ na ang tentative opening ay sa October 13, 2024.
Si Fatima Marie Mislang ang magiging alternate rito ni Elia.
Gaganap naman bilang Jacinta Marto sina Sophia Marie Banaag, Ramjean Entera, at Aina Rhycel G. Salazar. Natoka naman kina Kian Co at Prince Nathaniel España ang papel ni Francisco Marto.
Gaganap bilang Manuel Marto si Terrence Guillermo at voice of Mary si Bem Sabanal.
Ang iba pang bahagi ng casts ay sina Carlos Bryant Aunor, Jerome Fugoso, Elinor Acorda, Malou Canzana Jassy Calupitan, Sherryl Ilano, Karl Tiuseco, Joselito Reyes, Mary Grace Sy, Alex Payan, Amikah Brigette Aunor, Maria Krischellei Robles, John Nicolas Gamboa, Randy Dela Cruz, Cielo Marie Dela Cruz, Crystal Faye Mañalac, at Matthew Joseph Escalante.
Si Barbara Oleynick ang nasa likod ng The Miracle of Fatima, The Musical. Siya ay isang creator playwright, composer, lyricist, Executive Director ng The Miracle of Fatima Foundation, Inc. Si Barbara ay isang multifaceted creative professional na may passion for evangelizing the Fatima message sa pamamagitan ng live performances.
Si Marcell Ricart naman ang Artistic Director ng naturang play.
Naniniwala ba si Elia sa miracle?
Tugon niya, “I think, I happens naman po in everyday life. Like kapag po… iyong small miracle po is still a miracles. For example po you’re having a hard time and you just prayed na mawala po iyong problema ninyo, maging okay na po lahat. And naging okay na po lahat, I think that’s also considered a miracle.”
Ayon kay Elia, ang passion niya sa acting at sining ang susi kaya okay lang sa kanya ang paglalagari sa pelikula at teatro.
“Para sa akin po sobrang laki po actually ng difference po, compared po sa TV and films, sa teatro po.
“First of all, live po siya kaya po if magkamali po, dapat ay hindi nyo po ipahalata, dapat po ay tuloy-tuloy lang. And there’s singing, dancing and acting po, kaya dapat po super-focus po. Pero the main thing po, ang similarities po nila is iyong passion ko po for acting and arts po.
“It’s very different po talaga, pero thankfully, there’s so many people to guide us po.”
Anyway, bukod sa musical play na ito, aktibo rin sa paggawa ng pelikula si Elia. Ang isa sa aabangan sa kanya ay ang horror movie na ‘Nanay Tatay’ ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan very soon.
Tampok din dito sina Xia Vigor, Andrea del Rosario, Jeffrey Hidalgo, Heart Ryan, Aubrey Caraan, at iba pa.