Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gloria Diaz Harlene Bautista

Harlene ‘minura’ si Gloria Diaz

RATED R
ni Rommel Gonzales

AMINADO si Harlene Bautista na kinabahan siya ng sobra sa isang eksena sa pelikulang Lola Magdalena na minura niya ng malutong ang Miss Universe 1969 na si Gloria Diaz.

Sobrang kabado, ako lang, kasi ‘yung…’di ba, puro mura ako roon.”

Nagkataon kasing ninang ni Harlene sa binyag si Gloria sa tunay na buhay.

Ninang ko pa siya sa totoong buhay. Parang, ‘Oh my gosh, mumurahin ko ‘yung ninang ko’.

“So, parang ang hirap talaga. Ang hirap ng ganoong eksena, ‘yung mura-mura na malulutong.”

Bago raw kunan ang eksenang murahan ay nagpasintabi si Harlene sa Ninang Gloria niya.

Noong pagdating sa ano, habang mine-make-up, ‘Ninang, mumurahin kita’, ‘Oo nga eh’, sabi niya,” at tumawa si Harlene, “alam niyo naman ‘yung pagsasalita niya, ang cute.”

Samantala, sa unang pagkakataon ay nag-collaborate bilang mga producer ang Heaven’s Best Entertainment ni Harlene at BenTria Productions.

Si Bo kasi bale, nakasama na siya ni direk Joel (Lamangan) before, so pangalawa na niya ‘to”

Ang una ay ang pelikula noong 2021,  Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat-Lupa na ang Heaven’s Best din ang producer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …