Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

Motorsiklo vs 2 trucks  
BACKRIDER PATAY, DRIVER NG MOTORSIKLO NAPUTULAN NG PAA

PATAY ang isang backrider habang naputol ang kaliwang paa ng driver ng motorsiklo sa insidenteng kinasasangkutan ng dalawang truck sa lansangan sa lungsod ng Meycauayan, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay Col. Satur Ediong, acting Bulacan police director, kinilala ang nasawing backrider na si Early John Reyes habang ang nasugatan ay ang driver ng motorsiklo na si Bryan Neil Bruno, kapuwa residente sa Loma de Gato, Marilao, Bulacan

Sa inisyal na pagsisiyasat, lumalabas na ang mga biktimang sakay ng pulang Honda motorcycle, may plakang 860 WUD, ay bumabagtas sa Camalig Road sa Barangay Camalig sa naturang lungsod dakong 10:00 pm nang tangkaing mag-overtake ni Bruno sa dalawang truck.

Pero napag-alamang nadikit ang motorsiklo sa nauunang truck na isang Howo tractor truck, may plakang NBN 5358 at trailer license plate  AUA 6828 na minamaneho ni Ronald Pastrana kaya nasoro ito.

Naputol ang kaliwang paa ni Bruno sa nasabing insidente habang tumilapon si Reyes sa motorsiklo, nasagasaan, at napatay ng sumusunod na truck, sang Isuzu Giga tractor head, may plakang NAP 7437 na  minamaneho ni Joey Endozo.

Agad isinugod ng mga rescuer si Bruno sa pinakamalapit na ospital para malapatan ng lunas habang ang bangkay ni Reyes ay dinala sa Gomez Olarte Funerals Services samantala ang mga driver ng dalawang truck ay dinala sa Meycauayan City Police Station para sa kaukulang disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …