Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Kris Aquino

Marian naagaw Queen of All Media title ni Kris

DAHIL in-demand ngayon si Marian Rivera, sunod-sunod ang mga recognitions/achievements na natatanggap niya, kaya naman bidang-bida siya sa kanyang mga fan.

Tinatawag nila ang Kapuso Primetime Queen, bilang new Queen of All Media. Siya na raw ang nag-iisang tagapagmana ng tronong binakante ni Kris Aquino.

Sa X ay mababasa ang listahan ng achievements ng misis ni Dingdong Dantes bilang resibo na siya na talaga ang nagmamay-ari ng titulong dating hawak ni Kris.

Check na check daw ang sunod-sunod na box-office hits movies ni Marian from Rewind, na highest grossing Filipino films of all time, to Balota na highest grossing full length film of all time raw sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.  

Panalo rin daw si Marian sa advertising industry with more than 50 active brand endorsements at patunay ang mga nagkalat na billboards sa kalsada, pati print ads.  

Flinex din ng mga faney ang dumaraming acting awards ng idol nila.

Si Marian din ang may pinakamaraming followers sa Facebook among our local celebrities. May 30 million plus active followers siya, ha, 13.1M naman sa Instagram, at 8.8M followers sa TikTok.  

Plus mayroon din siyang top rating drama anthology tuwing Sabado sa GMA-7.

Pero pinalagan ito ng fans ni Kris. 

Narito ang mga kuda ng mga tagapagtanggol ni Kris sa X.

Walang makakatalo sa achievements ni Kris, hanap kayo ibang title. Ginawa ang title na iyan for Krissy!”   

“Laglag sa hosting ang idolo niya. Hindi niya keri ang hosting. Walang makakapantay sa talent na iyon ni Kris.”

Nag-iisa si Kris! Paano naman nakuha ni Marian ang IG? Hindi nga siya included sa Top 5 most followed sa Instagram. Mababa ang mga likes ang views niya at inconsistent ‘yon for someone na may 13M followers. Sorry balwarte nina Kathryn (Bernardo) at Anne (Curtis) ang IG. Pang-Facebook lang ang idol ninyo no!”

Just give Marian a different name, she can’t replace Kris.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …