Sunday , December 22 2024
Dr. Raquel S. Buban at Dr. Dolores R. Taylan, Gagawaran sa KWF Dangal ng Wikang Filipino 2024

Dr. Raquel S. Buban at Dr. Dolores R. Taylan, Gagawaran sa KWF Dangal ng Wikang Filipino 2024

Gagawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Dangal ng Wikang Filipino 2024, sina Dr. Raquel E. Sison-Buban, isang edukador, tagasalin, mananaliksik, tagapanayam, manunulat at alagad ng wika at Dr. Dolores R. Taylan, isang edukador, tagasalin, manunulat, at mananaliksik.

Si Dr. Buban ay nagbigay ng iba’t ibang panayam at lektura sa iba’t ibang akademikong institusyon para sa iba’t ibang paksa kabilang ang: Espesyal na Maikling Kurso ng Pagsasalin;  Pagbasag sa mga Mito ng Pagsasalin at Pagsasalin ng Metapora; Pagbuo ng Programa para sa Pagsasanay sa Pagsasalin: Estado, Proseso at Disenyo; Isyu, Bugso, at Direksiyon ng/sa Pagsasalin sa Ika-21 Siglong Edukasyon; Lipat, Danas, Lapat: Praktika at Estratehiya sa Pagsasaling Teknikal; at Mga Teorya at Praktika sa Pagsasalin.

Si Dr. Taylan ang isa mga haligi ng Departamento ng Filipino at ng Pamantasang De La Salle sa pagsusulong at pagpapaunlad ng wikang Filipino. Sa mahigit dalawang dekada niyang pagtuturo sa pamantasan, ipinakita niya ang kaniyang dedikasyon at adbokasiya sa pagpapaunawa sa mga Lasalyanong mag-aaral ng kahalagahan at kapangyarihan ng wikang Filipino sa pagbabagong panlipunan. Malaki ang kaniyang ambag sa pagsusulong ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sa buong bansa. Aktibo siyá sa iba’t ibang pambansang organisasyon tulad ng Propesyonal na Asosasyon ng mga Tagasalin at Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS) at ng Pambansang Samahán ng mga Dalubguro (PASADO). Siyá rin ang tumatayong Tagapamahalang Editor ng Malay, isang international refereed at abstracted na journal sa Araling Pilipinas at ang pinakabinibisitang akademikong journal sa Philippine E-Journals.

Ang Dangal ng Wikang Filipino ay kumikilala sa mga nagtaguyod, nagpaunlad, at nagpalaganap ng wikang pambansa, ang Dangal ng Wikang Filipino ay parangal na ibinibigay lámang sa mga pilíng-pilíng indibidwal na may angking kontribusyon sa lipunan para higit na umangat ang Filipino sa iba’t ibang larang at dominyo ng kapangyarihan, gaya ng, ngunit hindi limitado sa, agham at teknolohiya, batas, edukasyon, inhenyeriya, kawanggawa, negosyo, pamamahala, sandatahang lakas, sining, at ugnayang panlabas.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …