ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Opisyal nang ini-launch ang Bilyonaryo News Channel (BNC), ang bagong broadcast channel na naghahain ng mga bagong panoorin sa publiko tulad ng comprehensive coverage ng ating mga national issues, politics, lifestyle and sports.
Halata ngang pinaghandaan ang pagtatatag ng BNC dahil bongga ang line-up nila ng mga veteran journalists and media personalities sa pangunguna ni Korina Sanchez na muling nagbabalik sa news arena matapos ang halos 10 taon.
Sa teaser pa lang ng NBC, marami sa mga nakapanood ang na-excite nang husto at masasabing talagang kaabang-abang lalo’t nagsisimula na ang maiinit na bakbakan sa politika.
Matatandaang matapos umalis sa TV Patrol noong 2015 ay nag-focus si Korina sa lifestsyle programming tulad ng ‘Rated Korina’ (aired on TV5, A2Z, and Kapamilya Channel) and ‘Korina Interviews’ (on Net 25). Her move to BNC signals a significant return to her roots in news and public affairs.
Sa kanyang Instagram ay nag-post na si Korina ng teaser ng BNC at aniya sa caption, “And now… Back to the news.”
Mainit namang tinanggap ng netizens ang pagbabalik ni Korina Sanchez.
Narito ang ilan sa kanilang komento:
“Ma’am!!!!!!!!!! Yey! Finally!”
“#thewinnertakesitall.”
“Iba ka talaga.”
“Kailan magsisimula ito Ms K.”
“Oh My!!!! SHE is Back.”
“Yey! Love it! it’s time real news comes back!!!”
“So Excited to see you delivering the most important news again.”
“From ANC to BNC! All the best ms @korina.”
“Kaabang abang sana di gaya sa iba na news and entertainment pinagsama ang news program ms k dapat substance fair and relevant sa society.”
“Congratulations! Sa wakas may mapapanood na ulit na makabuluhang balita from the world class news anchor @korina”
“Welcome back! Respect.”
“About time. Congrats!”
“Dasurv! Grats, Ma’am.”
“Tama mag start na lang yan by September.wag ngayong august kase ghost month baka di magtagal sa ere.”
“Wherever you are we’ll be there Ms @korina.”
Makakasama ni Korina sa BNC ang iba pang notable media figures, katulad ni former CNN Philippines senior anchor Pinky Webb at ang mga dating ABS-CBN News Channel personalities na sina Marie Lozano and Maiki Oreta.
Kinuha rin ng station ang serbisyo ng lawyer na si Karen Jimeno na dating undersecretary for disaster resilience under President Rodrigo Duterte. Siya naman ang hahawak ng public affairs programming ng network.
Kasama rin sa line-up ang dating ‘Newsfeed’ anchor na si Mai Rodriguez at ang sports commentator and anchor na si Paolo del Rosario.
Sa mga bigating line-up pa lang na ito, inaasahang gagawa agad ng sariling marka ang BNC sa Philippine media landscape, offering viewers a fresh and comprehensive approach to news reporting.
Ang BNC ay puwede nang mapanood on free TV Channel 31 and on cable via Cignal Channel 24.