Sunday , December 22 2024
GMA Dapat Ganito, Kapuso

Dapat Ganito, Kapuso itinampok pagiging makabayan ng mga Pinoy

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PATULOY ang paghikayat ng GMA Network sa mga Filipino na maging proud sa kanilang kultura, mga tradisyon, at mahalin ang kanilang bayan.

Sa latest installment ng  Dapat Ganito, Kapuso na pinamagatang  Makabayan, excited ang chikahan ng barkada tungkol sa kanilang mga planong bakasyon abroad. Pero nang magsabi ang isa sa kanila na balak niyang magbakasyon sa Pilipinas, nanahimik ang kanyang mga kasama hangga’t sa ipinakita niya ang ilan sa mga naggagandahang vacation spots sa Pilipinas.

Sa installment na ito na kahit sa simpleng paraan ay maaaring maipakita ang pagiging makabayan ng mga Filipino.

Ang Dapat Ganito, Kapuso ay ang latest advocacy campaign ng GMA na umiikot sa pitong Filipino core values: Maka-Diyos, Mapagmahal sa Pamilya, Maabilidad, Masayahin, Malikhain, Mapagmalasakit sa Kapwa, at Makabayan. 

Bawat video ay isang maikling kuwento na itinatampok ang isang Filipino core value.

Mapapanood ang mga video  sa  GMA, GTV, Pinoy Hits, Heart of Asia, I Heart Movies, at sa official digital platforms ng Kapuso Network. Available rin ang mga ito sa  GMA Network YouTube Channel. 

About Ambet Nabus

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …