Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dio de jesus

Dio De Jesus, wish sundan yapak ni Piolo Pascual

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG newbie actor na si Dio De Jesus ay isa sa talents ni Direk Bobby Bonifacio, Jr. Bukod sa pagiging actor, si Dio ang newest member ng VMX V, na madalas mag-perform sa Viva Cafe sa Cubao, Quezon City.

Kasama niya sa grupo sina Itan Rosales, Karl Aquino, Marco Gomez, at Calvin Reyes.

Sa Viva One o sa Viva Films posibleng mapanood si Dio, pero hindi niya raw isinasara ang pinto niya na lumabas din sa Vivamax at magpatikim nang kaunting pa-sexy.

Ayon kay Dio, nagkaroon na rin siya ng ilang acting projects.

Aniya, “Ang goal ko po talaga ay sa Viva One po talaga, pero hindi naman po ako nagko-close ng door sa Vivamax. For now, parang ang goal ko po muna is Viva One.”

Game ba siyang magpa-sexy sa movies?

Esplika niya, “Actually, game naman po ako… medyo iniisip ko pa iyong sa bed scene. Tingnan po natin kung maaano natin, pero pinag-aaralan ko na po.

“Okay naman po ako for pa-sexy (roles), pero ang napag-usapan po namin ni Direk Bobby ay sa wholesome po ako. Pero mapag-uusapan naman po iyan in the future.”

Bukod sa height at katawan, guwapings si Dio. Kaya kung sasabak siya sa pagpapa-sexy sa movies, maraming bading at kababaihan ang mae-excite sa kanya.

Anyway, si Dio ay 24 years old, 5’ 11” at nag-start sa showbiz bilang model.

Aniya, “Nag-start po ako as a model, runway model before, noong teenager pa and na-discover ako ni Direk doon.

“Pero nakagawa na rin po ako ng mga teleserye before, like iyong Darna po.”

Dagdag ni Dio, “Hopefully, magkaroon po ako ng mga sunod-sunod na projects for Viva.”

Ang idol niyang si Piolo Pascual naman daw ang wish niyang sundan ang yapak.

“Ang idol ko po talaga, actually ay si Piolo Pascual, pero mahirap abutin si Piolo. Pero step-by step po ah… mag-i-improve po tayo in the long run. Hopefully, maging kagaya rin tayo ni Piolo,” nakangiting sambit ni Dio.

Bakit si Piolo ang idol niya?

“Kasi very versatile siya, so, kahit saan mo siya ilagay, talagang magagampanan niya nang maayos iyong role na ibinibigay sa kanya.”

Thankful din si Dio na maging part siya ng VMX V.

Aniya, “Very thankful po ako na binigyan ako ni Nanay Len (Carrillo) ng opportunity, ni Direk Bobby, and ng Viva, so, maraming-maraming salamat po.

“Medyo naninibago pa po ako, ito ‘yung first time ko na nag-live performance ng kanta. Pero, sumasayaw-sayaw na rin po ako. Siyempre ito ang first time ko and then hopefully, sunod-sunod na rin po ang mga show namin,” pakli pa ng guwapitong hunk actor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …