Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Sandrine Yap Richard Yap Sip2Glow

Ashley nangingiti sa mga ng nagka-crush sa kanyang daddy Richard 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Si Ashley Sandrine Yap ay ang anak na dalaga ng aktor na si Richard Yap, na ngayon ay isa ng businesswoman.

Si Ashley ang CEO ng bagong labas sa market na Sip2Glow, isang brand ng collagen drink na ang celebrity endorser ay si Richard mismo.

Ano ang best advice sa sa kanya ng daddy niya?

To be hands-on talaga and to know na you know, paglalaanan mo siya talaga ng oras and may mga paghihirap kang pagdadaanan, but we have them, my parents,” sinabi ni Ashley.

Artista rin si Ashley tulad ng ama niya. Nakakontrata rin si Ashley sa GMA Network bilang isang Sparkle artist.

Kung may isang proyekto o serye na pagsasamahin silang mag-ama papayag ba siya?

Yes, of course,” ang mabilis na reaksiyon ni Ashley, “actually iyon po ‘yung dream ko, I really wanna be able to work with him onscreen talaga.”

Heartthrob si Richard, marami ang may nagkakagusto sa aktor, kaya ang tanong namin kay Ashley, ano ang nararamdaman niya kapag nalalaman niyang maraming may crush sa daddy niya?

Natutuwa naman po ako.

“Actually, marami nga pong nagsasabi sa akin na, ‘Oh my God, crush ko ‘yung daddy mo!’, ‘Oh my God, ang hot ng daddy mo!’

“Tapos parang, natatawa na lang po ako kasi sanay na rin po ako, and I’m very happy na even at his age, ‘di ba, na marami pa ring nagka-crush sa kanya talaga.”

Graduate si Ashley ng kursong Marketing Management sa De La Salle University.

Samantala, ayon kay Ashley, ang Sip2Glow ay yari sa mga Korean ingredients at sa Korea mismo tinitimpla. Available na online ito

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …