Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Marian segurista pagdating sa pamilya

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY mga nagsasabi na matagal na raw maputi at makinis si Marian Rivera. In born na raw sa kanya iyon. In fact, isa si Marian sa pinakamakinis at pinakamagandang aktres ngayon sa showbiz, or maaaring sa buong Asya, kumbaga.

Kaya ano pa ba ang puwedeng magawa kay Marian ng Nekocee na Vitamin C capsules na ineendoso niya ngayon?

Kapag ba ‘yang mga sinabi mo ay mayroon ka na, ibig bang sabihin titigil ka na sa pagte-take? Hindi, ‘di ba,” pakli ni Marian.

In the first place, si Nekocee ay Vitamin C at araw-araw kailangan natin ‘yan, kahit pa sabihin mong maganda ka na, kailangan mo pa ring mag-take for maintenance,” saad pa ni Marian.

Bukod sa mga bitamina, tulad nga ng Nekocee na produkto nina Kath Melendez at Ryan Armenta, paano ba pinangangalagaan ni Marian ang kanyang katawan at kalusugan sa kabila ng kayang pagiging abala bilang ina at artista?

Siyempre diet talaga, lahat ng sobra para sa akin ay hindi maganda, pero lahat puwede kong subukan, huwag lang sosobra.

“So, sa pagkain, sa tine-take and everything, lahat okay ako, maliban lang talaga huwag lang masyadong alam mo ‘yun, ‘yung proper diet lang talaga.

At medyo maarte talaga ako, healthy living kami sa bahay,” pahayag pa ng GMA Primetime Queen at reigning Box-Office Queen.

Paano siya napapayag na maging endorser ng Nekocee?

Lahad ni Marian, “Isa lang ang ibig sabihin niyan, kapag tinaya ko ang pangalan ko sa isang produkto, number 1, ginagamit ko siya.

“Pangalawa, pinagkakatiwalaan ko siya. Pangatlo, pinagagamit ko sa pamilya ko, hindi ako papayag na ginagamit ng pamilya ko na hindi ako sigurado.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …