RATED R
ni Rommel Gonzales
NAGBAHAGI si Aga Muhlach ng kuwento sa senaryo kapag kaeksena niya si Andres Muhlach sa sitcom nilang Da Pers Family.
Lahad ni Aga, “Kapag may eksena kami hindi ako tumitingin sa kanya talaga! Parang,’ Ah ganoon? O sige.’
“Ayokong tumingin kasi ‘pag tumingin ako sa mata niya… hindi naman sa mako-conscious siyempre ‘pag umarte ako ng diretso, ‘Andres, alam mo,’ ganyan, ganyan, ganyan.
“‘Yung tingin kong ganoon baka mapatingin siyang ganoon, kasi iniisip ko, ‘Sana mabitawan mo na ang linya mo, ‘no.’
“Kaya niya naman, kaya niya naman, Tagalog lang kasi.
“Parang, ‘Ito kasi’, ganyan, ganyan. ‘Di ba parang, ‘Eto na…’‘Ops, tumigil, nag-pause! Tapos tumuloy, ‘Ahhh…’
“Talagang naawa talaga ako kasi nakita ko minsan nanginginig ‘yung kamay niya! One time lang naman iyon.
“Kasi naiilang yata siya ‘pag the whole cast is there, ‘pag sa table ‘yung eksena.
“Parang ako noong bata rin ako, ‘di ba? May eksenang ‘pag kasama mo ‘yung mga senior sa iyo parang nako-conscious ka.
“At naiintindihan ko talaga iyon and I had to tell him talaga sa bahay, ‘Alisin mo ‘yang nerbiyos ma na iyan kasi magaling ka naman. ‘Magaling ka naman’, sabi ko, ‘Magaling ‘yung ano mo basta bitawan mo lang huwag kang matakot.’,”pahayag pa ni Aga tungkol sa unico hijong si Andres.
Aminado si Aga na umiiral ang pagiging ama niya sa mga anak niyang kambal na sina Andres at Atasha Muhlach kapag nasa taping sila ng Da Pers Family.
Pahayag ni Aga, “Mahirap iyon ha, kasi kailangan isipin ko ang sarili ko rin para… kung anong gagawin ko, kaya lang minsan, gaya sa bihis ko, basta ‘pag nakita ko na maganda na ang mga itsura nila, okay na ako.
“Tapos ako minsan nakakalimutan ko na kung anong kulay dapat ng damit ko, mali-mali, parang ganoon.
“Basta happy sila basta okay na sila okay na ako.”
Kasama ng Muhlach family (Aga, Charlene, Atasha at Andres) sina Bayani Agbayani, Ces Quesada, Heart Ryan, Kedebon Colim, Sam Coloso, Chad Kinis, at Roderick Paulate, sa direksiyon ni Danni Caparas.