Sunday , December 22 2024

School service, tricycle na ‘overloaded’ ng mga estudyante kakastigohin ng LTO

BINALAAN ni Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang mga school service at tricycles na mahuhuling magsasakay nang overloaded para sa pagbubukas ng klase ngayong Lunes.

Ayon kay Mendoza, intasan na niya ang lahat ng Regional Directors at District Office head na makipag-ugnayan sa kani-kanilang local government units (LGUs) para sa tulong na maibibigay ng ahensiya ngayong pasukan.

Aniya, mahigpit na imo-monitor ng mga tauhan ng LTO ang mga school service, tricycles, at iba pang sasakyan na magsasakay ng mga estudyante nang higit sa kanilang pinapayagang kapasidad.

“We also have to check on motor vehicles overloaded with students because that is very risky and leads to road accidents,” giit ni Mendoza.

Ang kautusan ay alinsunod sa tagubilin ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista na tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada patungo sa iba’t ibang paaralan sa buong bansa para sa pagbubukas ng klase.

“Your LTO, through our personnel on the ground, will assist in the smooth flow of traffic and ensure compliance of motorists on courtesy and discipline on the road,” dagdag ng opisyal. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …