ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
KAKAIBANG pelikula ang matutunghayan ng viewers ng Vivamax sa Package Deal.
Dito ay imbitado ang mga manonood na saksihan ang isang whirlwind romance na nababalot ng kasinungalingan at panlilinlang.
Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Angelica Hart, Mariane Saint, at ng seasoned actor na si Mark Anthony Fernandez. Panoorin ang pelikula sa Vivamax ngayong August 9, 2024.
Sina Angelica at Mariane ay kilala bilang pambatong sexy actress ng Vivamax. Kaya naman palaban talaga sa pagpapa-sexy at mga daring na eksena ang dalawang sexy actress.
Sa pelikula ay masasabing pinagsaluhan sa kamunduhan nina Angelica at Mariane ang kontrobersiyal ngayong si Mark Anthony Fernandez.
Sa Package Deal, si Manet (Hart) ay isang mayamang balo na mabilis na mapapaibig ni Ron (Fernandez), isang lalaking nagtatrabaho sa courier delivery service na pagmamay-ari niya. Tila complete package na si Ron: guwapo, matalino, at magaling sa kama. Ang kanilang pag-iibigan ay mabilis na mauuwi sa engagement at kasal.
Ngunit sa gitna ng kanilang kasiyahan ay matutuklasan ni Manet na si Ron ay mayroon na palang 18-taong gulang na anak na babae, si Elissa (Saint) na limang buwang buntis.
Sa kabila nito, tatanggapin ni Manet si Elissa bilang bahagi ng “package deal” sa kanyang pagmamahal kay Ron. Ang tatlo ay mamumuhay na parang isang tunay na pamilya sa iisang bubong.
Hindi nagtagal, lalabas ang tunay na ugali ni Ron— siya pala ay isang sugarol at lasenggero. Lalalim din nang hindi inaasahan ang pakikitungo nina Manet at Elissa sa isa’t isa.
Habang hinaharap ni Manet ang kanilang komplikadong sitwasyon, matutuklasan niya rin ang maraming nakagugulat na lihim tungkol kina Ron at Elissa na sisira sa “pamilyang” kanilang binuo.
Minsan, ang pag-ibig ay parang isang kahina-hinalang package at determinado si Manet na buksan ito at talunin sina Ron at Elissa. Mula sa direksiyon ni Carby Salvador, tuklasin ang mga lihim sa Package Deal ngayong August 9.
Para i-stream ang Package Deal, punta na sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.
Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para makapagbayad mula sa E-commerce, maaaring pumili sa Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya.
Para naman makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.
Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax. Makakapanood na sa halagang AED35/month. Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan.
Mayroon din Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA at Canada.
Para sa mas marami pang original Pinoy entertainment, mula blockbuster movies hanggang mga hit TV series, bisitahin ang vivamax.net.
Vivamax, atin ‘to!