Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
WALTERMART FREE CHARGING STATION

WALTERMART FREE CHARGING STATION.

Nagsilbing cellphone and battery pack charging station ang WalterMart Supermarket sa E. Rodriguez, Sr., Avenue, Barangay Kalusugan, Quezon City para sa mga residente ng Barangay Damayang Lagi dahil hanggang sa kasalukuyan ay walang koryente sa komunidad.

Ayon sa security guard na si Jimmy Cannu, inihandog ito ng WalterMart Supermarket sa ilalim ng kanilang community service program bilang tulong sa mga biktima ng bahang dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Carina nitong nakaraang linggo sa nasabing komunidad.

Ayon kay SG Cannu, mahigpit na ipinag-utos ng management na alalayan at bigyan ng direksiyon ang mga residenteng makiki-charge ng kanilang mga cellphones at battery pack na posibleng tumagal hanggang sa Lunes o hanggang magkaroon ng koryente sa lugar.

Makikita sa larawan ang mga residente kasama ang kanilang mga anak na matiyagang naghihintay na ma-fully charged ang kanilang cellphones at battery pack sa nasabing sangay ng WalterMart Supermarket. (Kuha ni GLORIA GALUNO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gloria Galuno

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …