Sunday , December 22 2024
Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong Carina at patuloy silang tumupad sa tungkulin nang sunod-sunod nilang arestuhin ang sampung wanted na kriminal sa lalawigan kahapon.

Sa mga ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang sampung katao na pinaghahanap dahil sa iba’t ibang krimen at paglabag sa batas ay magkakasunod na inaresto ng tracker team ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), Sta. Maria MPS, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG, Bulacan), Pulilan MPS, Bocaue MPS, Guiguinto MPS, at San Miguel MPS.

Ang mga naaresto ay  kinilala sa mga pangalang alyas Lyn, 51, arestado dahil sa Bouncing Check Law (BP 22); alyas Mark, 34, at alyas Jan, 29, para sa Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property; alyas Domingo, 52, kasong Acts of Lasciviousness; alyas Michael, 39; at alyas Alvin, 34, para sa Karahasan Laban sa Kababaihan at kanilang mga anak; alyas Del, 25, para sa paglabag sa Comelec Resolution no. 10918; alyas King, 40, para sa Lascivious Conduct (RA 7610); alias Jet, 40, para sa Attempted Homicide; at alyas Jose, 54, para sa The Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. (RA 7610).

Ang mga naarestong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/station para sa kaukulang disposisyon.

Ayon kay Police Colonel Arnedo, ang mandato ng Regional Director ng PRO3 na si PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr., ay kahalintulad ng walang patid na opensiba laban sa ilegal na droga ng Bulacan PNP, walang humpay na pagtugis sa mga personalidad sa droga, at mga lumalabag sa batas na nagmumula ng mahusay na solusyon laban sa krimen. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …