Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED R
ni Rommel Gonzales

NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer.

Nagsimula nang matanong namin kay Ruru, na idolo ang actor/director na si Coco Martin, na pagdating ng panahon ay nais niyang magdirehe ng kanyang susunod na action serye pagkatapos ng Black Rider.

Oo raw, pero aniya, “Siguro sa ngayon, kasi siyempre nandiyan pa ang aking, paano ba, ang aking tatay direk Rommel Penesa, iyan ang talagang nagga-guide sa akin at sa journey namin na magkasama eversince ‘Lolong.’ Noon pa, lagi ko siyang pinapanood kung paano siyang magtrabaho. Paano niyang ginagawa ‘yung mga eksena.”

Si Rommel Penesa ang direktor ng Black Rider at ng Lolong na parehong pinagbidahan ni Ruru.

Pagpapatuloy ni Ruru, “So somehow natututo ako.”

At dito na inihayag ni Ruru ang isa pang pangarap niya.

And eventually parang, siyempre bukod sa pagdidirehe is gusto kong mag-produce ng sarili kong mga proyektong gagawin.

“At ako na rin po ang magdidirehe.

“But you know ayoko pa pong isipin iyan sa ngayon because I just want to focus on everything na ipinagkakatiwala sa akin ng network at kung ano po ‘yung maiaambag ko roon sa mga proyektong iyon.”    

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …