Sunday , December 22 2024
LA Santos 40th Star Awards for Movies

L.A. vindicated sa pagkapanalo sa Star Awards

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MARAHIL nga, isang bindikasyon para kay L.A. Santos ang pagka-panalo bilang Pinakamahusay na Katulong na Aktor sa katatapos na 40th Star Awards for Movies. Para sa ginampanan niya bilang anak ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa In His Mother’s Eyes.

Bakit? 

Ilang araw bago dumating ang parangal, nag-kuyos na pala ang damdamin nito sa isang concert na apecial guest siya.

Sa mga nakakuha ng video at nagpadala sa kinauukulan, kitang-kita kung paanong binuno ni L.A. ang palabas na nawalan ng tunog ng ilang minuto ang mikropono niya.

Kahit ang celebrities na nakapanood sa performance nito ay nag-react din. Gaya nina Jong Cuenco at Liz Alindogan.

Sana nga raw sila na lang ang nag-abot ng panibagong mic kay LA sa pagkanta nito.  At ang isa pang saludong-saludo kay L.A. ay ang kasama rin sa palabas na si Randy Santiago.

Masama rin ang loob ng dakilang ina  ni L.A. na si Mommy Flor sa  nangyari sa anak. Dahil pakiwari niya eh, sinabotahe ito.

Samantalang sa buong rehearsal ay  maayos naman ang lahat. Kaya nagtataka si Mommy Flor sa nangyari.

‘Di tuloy maialis na isiwalat nito kung paano siyang tumulong sa produksyon. Mula sa paglapit sa sosyal na venue. Pati na sa pagkain nila. 

Noon pa namin kilala si Mommy Flor. Basta pagdating sa anak na si L.A. siya ang unang nasasaktan kapag kinakitaan ng pang-aapi rito. Na minsan na ring nangyari sa isang TV show.

Hindi naman daw ipinagpilitan ni Mommy Flor na i-guest ng nakita naman sa video na kahusayan ni L.A. Sana huwag naman daw apihin ito kung lahat naman ng pabor na hiningi sa kanya ng production eh, naibigay niya.

Isa pang pinanghinayangan at iniyakan nilang mag-ina ay ang pagkawala ng proyektong Himala The Musical na gagawin ni Atty. Vince Tañada mula sa basbas ni Ricky Lee. ‘Yun pala dalawa ang isinumite nitong Himala sa MMFF 2024.

Tinanggihan nila ang isang proyektong pagsasamahan sana ni L.A. at Andrea Brillantes.

Kaya ang sakit sa dibdib na tinamo ni L.A. eh, damang-dama nila.

Next time, maiwasan na sana ang pang-aapi sa maliliit kung ituring ng iba. Pero sa pagkakataong ito, may pumalit na agad na biyaya kay L.A. sa award na tinanggap.

At baka nga sa nawalang maganda sanang papel niya sa Himala The Musical ng Philstagers, may matindi pa ring maging kapalit gaya ng sa In His Mother’s Eyes.

About Pilar Mateo

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …