Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga namang  hinangaan sa tikas at tindig at mukha sa showbiz.

Dahil bata, game rin siya sa pagtanggap ng  mga role na inihahain sa kanya. Kahit ano. Maski ano. At anuman ang ipagawa, game na game siya.

Actually, madadaig niya nga ang mga bagong artista sa Viva Films o Vivamax sa panahong ito sa tapang niya.

Noon kasi, no qualms, hubad siya talaga. At walang plaster. Kaya nga natuwa sa kanya ang dating manager na si Alfie Lorenzo. Dahil among the Liberty Boys na na-groom niya, si Emil na raw ang walang arte sa katawan.

But wait! Kahit pa game sa kanyang career si Emil noon, dahil nga bata at mapusok, ang atittude nito ang kinailangang bantayan.

Mainipin. Kaya nawawala sa set kapag ‘di pa siya nakukunan at babalik na lang kung kailan niya gusto.

The saturation point came. ‘Di na niya feel  ang showbiz. Nag-Amerika. Aminado. Maraming babae. At nagbunga ng mga anak.

Mas type ko noon kasi ‘yung mas matanda sa akin. Pero ngayon sa mas bata na!” natatawang pag-amin niyo sa mediacon ng Daddysitter ng Vivamax.

Si Emil ang bida.

 Dumating pa ang magandang pagkakataon.

Salamat kay Direk Christian Paolo Lat. Si Emil ang binagayan ng papel ng nasabing proyekto.

Gaganap na anak niya si Armani Hector at si Apple Dy ang babae sa pagitan nila.

Tungkol pa rin sa pagmamahalan ang iikutan ng pelikula. Sa isang may edad ng lalaking naghanap ng mag-aalaga sa kanya which in turn eh, inalagaan din niya. Pero ‘di maiiwasan ang mga tukso. 

‘Yun nga ba ang nagpabago sa pananaw niya sa pagmamahal?

Happy si Emil that he got the role.  Na pagkakatiwalaan pa siya na makaarte sa pelikula. Kabilang na siya sa kuwadra ni Jojo Veloso.

Kung advice sa mga batang nakakasama niya ngayon ang pag-uusapan, isa lang ang ibibilin niya. Ang pagiging propesyonal. Dahil naging biktima na nga siya nito na pinagsisihan niya nang husto. Nang maging pasaway siya. Kaya mahalin nila ang trabaho nila and grab every opportunity that comes their way.

Mukhang inspired naman si Emil lalo at mukhang natagpuan niya ang magbibigay ng inspirasyon in the person  of Salome Salvi.

Take note, kasama niya sa mediacon si Salvi na buong ningning na naghihintay sa kanya sa Viva Boardroom.

Ibang take naman ito ni Direk Lat. Sumusunod sa mga nauna na niyang tila serye sa paggalugad sa iba’t ibang klase ng pagmamahal.

Definitely, hindi masisilat ang proyektong ito sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …