Sunday , December 22 2024
Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan Rosales. Ito’y via the movie Kaskasero na hatid ng Vivamax.

Pero kahit first time nilang nagkatrabaho ay palagay naman daw ang loob nila sa isa’t isa.

Wika ni Christine, “First time po naming nagkatrabaho ni Itan dito, pero kasi, same kami ng management dito kaya magkakilala na po kami talaga.”

Paano ang ginawa nila sa mga love scene para maging komportable sila at maging maganda ang kalalabasan nito?

Pakli ng aktres, “We have restrictions and boundaries naman, so, nag-usap naman po kami before namin ginawa iyong mga intimate scenes.

“Pero hindi naman po siya ganoon ka… wala naman kami masyadong matindi talaga o daring na love scene, mas intimate po siya.”

Sinabi naman ni Itan na ang love scene nila ni Christine ay mas romantic daw, dahil may halong love raw ito.

Ano ang natutunan niya sa pelikulang Kaskasero, dahil hindi ba para sa mayayaman ang car racing sa atin?

“Dito sa mga racing, natutunan kong maging totoong kaskasera, hahahaha!” Sambit ni Christine.

“Pero sa character naman po ni Gabbi, hindi kasi siya totally rich, eh. Galing din siya sa walang-wala talaga, tapos nakasama niya kasi yung mga barkada niya. So, siguro roon siya nagmumukhang rich kapag nandoon na sa mga car racing at kasama niya yung mga kasama niyang mayayaman,” pahayag ng aktres.

Nabanggit pa ni Christine na nag-enjoy siya sa pelikulang ito.

Aniya, “Yes po, sobrang enjoyment. Kasi, itong movie rin na ito also, mas more na mga nakasama ko iyong mga nasa management ko. So, parang iyon na lang ulit iyong nagkita-kita kami.

“Tapos, working with Itan, sobrang fun, sobrang professional niyang ka-work. And super-seryoso niya rin also sa work.

“So ayun, sobrang nag-enjoy ako, working with all of them,” nakangiting sambit pa ni Christine.

Mapapakapit ka sa rumaragasang pagsasama nina Itan at Christine sa Kaskasero, palabas na sa Vivamax ngayong July 26, 2024.  

Mapapadpad ang mekanikong si Miggy (Itan) sa mundo ng street car racing nang makilala niya si Gabbi (Christine) sa kanilang talyer. Siya ang umayos sa sasakyan nito at hindi naman maitago ang interes nila sa isa’t isa.  

Dahil sa angking husay niya sa pagmamaneho, kumita nang malaki si Miggy bilang car racer. Naging lapitin siya ng mga babae, tulad ni Denise (Angela Morena), dating kasamahan ni Gabbi sa trabaho. Pilit niyang inaakit si Miggy kahit alam niyang may relasyon sila ni Gabbi.

Si Denise mismo ay may karelasyon din na si Archie (Marco Gomez), isa ring car racer na baon sa utang sa isang loan shark.

Habang nag-eenjoy si Miggy sa lahat ng atensiyon at ligayang dala ng bago niyang buhay, bigla namang may aaminin si Gabbi tungkol sa kanyang nakaraan. Sa kanyang pagkabigla at pagkatuliro, makakagawa si Miggy nang sunud-sunod na mga maling desisyon kasama si Archie at malalagay si Gabbi sa panganib.

Ngayong magulo na ang lahat, makakabalik pa kaya si Miggy sa tamang landas? May pag-asa pa ba ang relasyon nila ni Gabbi o talagang wala na itong balikan?

Huwag palampasin ang Kaskasero, ito’y mula sa direksiyon ni Ludwig Peralta, kasama rito sina Quinn Carrillo, Angelica Cervantes, Cess Garcia, Rica Gonzales, at marami pang iba.

Ito’y isinulat ni Quinn Carrillo at ni Direk Sidney Pascua. Assistant Director din dito si Quinn. Ang pelikula ay mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …