RATED R
ni Rommel Gonzales
MAY rebelasyon sa amin si Gary Estrada. “Alam niyo ba sa tagal kong artista ayokong katrabaho ang kahit sino sa pamilya ko?
“Kasi… ang hirap eh,” bulalas pa ni Gary.
“Too close for comfort para sa akin.”
In fact, kahit minsan ay hindi pa nagkasama sa trabaho sina Gary at anak niyang aktor na si Kiko Estrada.
”Iyan nga ang dream ng anak ko eh, iyan ang dream niyang makatrabaho.”
Pero ang misis ni Gary na si Bernadette Allyson ay minsan na niyang nakasama sa isang episode ng Magpakailanman.
“Ayoko ng ulitin,” bulalas ni Gary.
“Before take siyempre alam mo naman ako, pangiti-ngiti lang, tapos noong narinig ko ‘yung ‘Action!’, noong take na, nagbabago na ang lugar, nag-iiba na ako, muntik ko na siyang masaktan,” pagtukoy ni Gary sa eksena nila ni Bernadette na kailangan niya itong saktan.
“Ayoko ng ulitin it’s too close for comfort para sa akin, parang ayong maulit.”
Bilang bagong Sparkle artist nga pala, napanood si Gary sa Black Rider na finale week na ngayon.