RATED R
ni Rommel Gonzales
MAY reaksiyon rin si Charlene Gonzalez tungkol sa pag-arte sa harap ng kamera ng kambal nilang anak ni Aga Muhlach na sina Atasha at Andres Muhlach.
“In fairness ‘di ba ang hirap niyan, imagine first time ka aarte tapos kasama mo ‘yung great actors and actresses, ‘di ba nakakakaba talaga iyon,” at natawa si Charlene.
Tinanong naman namin si Charlene ukol sa pagiging magulang ng dalawang celebrities at TV stars at posibleng soon-to-be moviestars?
“Okay, let’s go way back kasi siyempre alam ng lahat magkapatid sila, kambal sila, but growing up Aga really did a conscious effort para magkaroon sila ng sariling identity.
“To the point na they went to different schools, they studied in different countries, so as artist naman Aga and I talked about it na parang, ‘Anong gagawin nating diskarte rito?’
“When we go on the set do we, will we be a parent, but we decided that we will be co-actors.
“And then we will just let our writers, and then of course the cast and our director, to take charge. So we’re just in the backseat.
“Pagdating naman sa artistry nila we allow them to grow and create the path or journey that they will be taking.
“So ‘pag humihingi naman sila ng tulong or guidance sa amin we’re there for them but we give them and we respect their individual creativity,” sinabi pa ni Charlene.
Bukod sa Muhlach family, nasa cast ng Da Pers Family sina Bayani Agbayani, Ces Quesada, Heart Ryan, Kedebon Colim, Sam Coloso, Chad Kinis, at Roderick Paulate, sa direksiyon ni Danni Caparas.
Mapapanood ito tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa TV5, at may catch-up airings sa Sari-Sari Channel tuwing Lunes, 7:00 p.m..