Friday , November 22 2024
P10-M makinaryang pambukid ipinagkaloob ng PAGCOR sa Bulacan

P10-M makinaryang pambukid ipinagkaloob ng PAGCOR sa Bulacan

PORMAL nang ipinagkaloob ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang P10-milyong halaga ng mechanized farming equipment kabilang ang dalawang unit ng combined harvester at limang unit ng mini-4-wheel tractors sa harap ng Provincial Capitol Building, sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan.

Pamamahalaan ang mga makinaryang ito ng PGB na ang mga magsasakang Bulakenyo ay magkakaroon ng madaling pagkuha kung kailangan nilang gamitin.

Sa pakikipagtulungan nina Bulacan 1st District Representative Danilo Domingo at Gov. Daniel Fernando, inilabas ng PAGCOR ang mga nasabing makinarya upang magamit ng mga magsasaka mula sa lungsod ng Malolos, at mga bayan ng Bulakan, Calumpit, Hagonoy, Paombong, at Pulilan.

“Iisa lang po ang hinihiling kong kapalit ng biyayang ipinanaog naming tapusin sa hapon na ito. Sana po’y lalo kayong ganahan pang magsaka, ibahagi ninyo sa mga kabataan nang sa ganoon ay lalo pang umunlad ang sektor ng agrikultura rito. Hindi lamang sa unang distrito, hindi lamang sa lalawigan ng Bulacan, kundi sa buong bansang minamahal nating Filipinas,” ani PAGCOR Chair & Chief Executive Officer (CEO) Alejandro Tengco.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat si Fernando kay Tengco sa malaking tulong nito sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura ng lalawigan.

“Chairman, thank you so much po sa pagmamahal na ibinibigay mo sa ating lalawigan at lalong-lalo po sa District 1. Ito po ay malaking bagay para sa ating mga magsasaka sapagkat ito ay hinahanap nila. At talaga namang ito’y kailangang-kailangan ngayon in advance technology of farming. Kailangang-kailangan na po ito talaga at ‘yung iba kasi nahihirapang yumuko ‘di ba para magtanim,” pasasalamat ng gobernador.

Binigyang-diin din ng gobernador ang mga programa ng PGB kabilang ang Bulacan Farmer’s Productivity Center and Training School, at ang Provincial Government Multiplier and Breeding Center para makamit ang food security at sufficiency. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …