Friday , November 22 2024
SJDM Bulacan

Pabrika sa Bulacan bistado, mga trabahador undocumented at tourist visa lang ang hawak

BISTADO ang isang pabrika sa Bulacan na may mga nagtatrabahong Chinese nationals kahit undocumented at mga tourist visa lang ang hawak.

Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon ang pabrika na matatagpuan sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte City, Bulacan.

Halos 80 Chinese na inabutan sa loob ng pabrika ang ikinostudiya ng NBI dahil sa umano’y pagtatrabaho nang walang kinakailangang mga dokumento.

Ayon sa ulat, inilunsad ang operasyon ng NBI Bulacan District Office matapos makatanggap ng ulat hinggil sa mga dayuhang nagtatrabaho sa naturang ipabrika.

Napag-alamang ang sinalakay na pabrika ay gumagawa ng malalaking water pipes para sa isang water concessionaires.

Sa operasyon na katuwang ang Bureau of Immigration (BI) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), kinuha ng NBI ang kustodiya ng mga undocumented na empleyado, empleyadong nagtatrabaho sa ilalim ng tourist visa, at anim na opisyal ng kumpanya.

Ayon sa katuwiran ng isang empleyado ng kumpanya, mayroon silang mga tao na may legal working permit at ang ilan ay nasa proseso pa ng pag-aapply, samantalang ang iba naman ay wala pa pero ipapadala na lang umano ang mga passport at dokumento sa third party.

Sinabi ng NBI na tutugisin nila ang sinumang kumuha sa mga dayuhan at makikipag-ugnayan sila sa BI sa imbestigasyon kung paano nakarating sa bansa ang mga dayuhan..

“Nakakaalarma… Una, maaaring itong corporation ay legitimate but then they are employing Chinese people na pwede naman ang Pilipino, so napre-prejudice ang ating mga Pilipino kasi isa sa mga reason kung bakit pwede mag-employ ng foreigner ay kapag di kaya ng Filipino skill, but then nakita namin gumagawa lang ng mga malalaking pipe. Bakit kailangan foreigner pa? They will be held answerable… Hindi humihinto ang ating mga operatiba sa pagmamanman sa ganitong mga klase ng kumpanya,” ayon kay NBI Director Jaime Santiago.

Dagdag ni NBI Bulacan chief Attorney Emilito Santos na para itong mga undocumented foreign workers sa Pilipinas na posibleng biktima ng trafficking.

Sakay ng bus ay dinala na ang mga dayuhan sa NBI headquarters para iproseso. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …