MATABIL
ni John Fontanilla
MATAGUMPAY ang 2024 Johnny (Litton) Awards II na ginanap sa Grand/Hyatt Ballroom Manila kasabay ng selebrasyon ng kaarawan ni Johnny Litton na nagsilbing host si Giselle Sanchez, directed by Raymond Villanueva.
Isa sa naging awardee sa Johnny Awards II si Ms Charo Santos-Concio.
Kasabay ng pagbibigay-parangal sa mga natatanging Filipino ang bonggang fashion show na agaw eksena ang pagrampa at pinalakpakan nang husto ng mother and son tandem nina celebrity businesswoman at Vice President ng Intele Builders and Development Corporation, Ms Cecille Bravo at Miguel Bravo.
Suot ni Madam Cecille ang napakagandang black gown na gawa ng celebrity designer na si Raymund Saul habang suot naman ni Miguel ang napakagarang suit na gawa ng isa pang celebrity designer na si Jovan dela Cruz.
Kasama ring rumampa nina Madam Cecille at Miguel ng ang controversial Miss Universe Philippines Quezon City candidate, producer at international designer na si Joyce Penas-Cubales.
Ilan sa namataan naming dumalo sa Johnny Awards II sina Mrs Universe Philipines Charo Laude, designer/producer Marc Cubales, Joel Cruz, Tessa Prieto, Roberto Alvares Jr., Atty. Lorna Kapunan, Pedro Bravo, Mark Lua, Angelo Luna, Hazel Tria, Teng Corbe, Nin̈o Angeles, Raoul Barbosa, Christina Williams, Jeffrey Dizon, Ralston Segundo, Matthew Bravo, Angie Sison, Helen Massab, Chuci Villar Marilyn Altarejos, Amir Sali, Grace Gobing, Laarni Lozada, Adela Barquez Yong atbp..