Friday , November 22 2024
071824 Hataw Frontpage

Sa ‘tungki ng ilong’ ng gov’t hospital  
UTAK NG ‘KIDNEY FOR SALE’ ITINANGGING HEAD NURSE PERO EMPLEYADO NG NKTI

071824 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN

INAMIN ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) na kanilang empleyado sa loob ng 23 taon ngunit itinangging head nurse ang pinaghihinalaang lider sa likod ng grupong sangkot sa kidney for sale na nasakote sa City of San Jose del Monte, Bulacan.

Sa press conference nitong Miyerkoles, inilinaw ni NKTI Deputy Executive Director for Nursing Services Dra. Nerissa Gerial, hindi head nurse ng NKTI ang suspek na si Allan Ligaya na sinasabing lider ng ‘kidney for sale’ group na may pasilitasyon sa ospital, kundi isang staff nurse at 23 taon na sa serbisyo.

Sa ‘tungki ng ilong’ ng gov’t hospital UTAK NG ‘KIDNEY FOR SALE’ ITINANGGING HEAD NURSE PERO EMPLEYADO NG NKTI
INIHARAP sa mga mamamahayag nitong Martes, 16 Hulyo 2024, ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime B. Santiago at iba pang opisyal ng ahensiya, ang mga naarestong itinurong sangkot sa sindikato ng ‘kidney for sale’ o human trafficking for the removal of organs, kasama ang mga indibiduwal na pinaghihinalaang illegal donor ng human kidney. Ilan sa kanila ay napilitan umanong makipagsabwatan dahil sa kahirapan kapalit ng pangakong P200,000 kapalit ng kanilang kidney. (ALEX MENDOZA)

Hindi iniharap ng NKTI si Ligaya sa press conference dahil day-off umano nito at sa katunayan ay pumasok nitong Martes.

Inamin ng pamunuan ng ospital na wala pa silang ginagawang aksiyon laban sa kanilang nurse dahil wala pang isinampang kaso ang National Bureau of Investigation (NBI). 

Payo ng pamunuan ng NKTI na magpakita siya sa NBI para doon magpaliwanag at malinis ang kanyang pagkatao.

Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Rose Marie Rosete-Liquete, NKTI executive director, empleyado nila sa Ligaya pero hindi ito head nurse ng institusyon.

Kanila umanong iniimbestigahan ang pagkakasangkot ng kanilang empleyado pero patuloy nitong itinatanggi ang akusasyon laban sa kaniya.

Inilinaw ni Liquete, na ang nasabing nurse ay hindi nakatalaga sa unit kung saan sila ay may direktang access sa mga pasyente.

Sinabi ni Liquete, wala pang dumating na tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) para tanungin ang nurse at ang iba pa nilang medical staff.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng NKTI head ang publiko na ang pagdo-donate ng kidney ay hindi madaling proseso at dapat wala itong bayad.

Noong 11 Hulyo, ilang suspek na sangkot sa kidney organ trafficking ang naaresto habang siyam na biktima ang nailigtas ng NBI sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sa ulat ng NBI, nangangalap ng mga taong mabibiktima ang grupo at inaalok na ibenta ang kanilang kidney organ para sa isang kliyente sa halagang P200,000.

About Almar Danguilan

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …