RATED R
ni Rommel Gonzales
CERTIFIED bisyo ng bayan gabi-gabi ang hit GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko.
Nakakuha lang naman ng mahigit 1 billion views and counting ang serye sa Facebook, YouTube, at TikTok accounts ng Kapuso Network.
Komento ng netizens sa Facebook page ng GMA Drama, “Dasurb! Maganda kasi. Gabi-gabi ko talaga ‘tong pinapanood! I’m very interested sa mga mangyayari kaya wala akong nami-miss na episodes. Ang dami nang naadik dito kahit late night na pinapalabas. Congratulations, GMA!”
At ngayon, papasok na rin sa kuwento ang karakter ni Hannah na gagampanan ni Kylie Padilla. For sure, mas lalo pang titindi ang bardagulan at action scenes sa pagdating ng ex-wife ni Leon (Joem Bascon). Magiging kakampi ba siya ni Cristy (Jasmine Curtis-Smith) o tutulungan niya si Shaira (Liezel Lopez) para guluhin ang buhay ng mga bida?
Tutukan, Lunes hanggang Huwebes tuwing 9:35 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream, habang 11:25 p.m. naman sa GTV.