Sunday , December 22 2024
PNP QCPD

May kasong rape, murder, drugs
5 MOST WANTED PERSONS NASAKOTE NG QCPD

LIMA KATAO kabilang ang dalawang nahaharap sa kasong rape at pagpatay na pinaghahanap ng batas ang nadakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni P/Brig. Gen. Redrico A. Maranan sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa nitong 15 Hulyo 2024.

Sa ulat ni Fairview Police Station (PS 5) chief, P/Lt. Col. Morgan Aguilar, nadakip si Ricky Santos, 50 anyos,  residente sa Brgy. Greater Fairview, Quezon City at itinuturing na no. 4 most wanted person (MWP) ng estasyon. Siya ay naaresto dakong 10:30 pm sa loob ng  Smart Move Inc., Brgy. Hoyo, Silang, Cavite

Si Santos ay may pending Warrant of Arrest para sa kasong Rape sa Branch 106, Regional Trial Court (RTC), National Capital Judicial Region, Quezon City.

Habang nadakip naman ng Batasan Police Station (PS 6) sa ilalim ni P/Lt. Col. Romil Avenido ang no. 8 most wanted person ng kanilang estasyon na kinilalang si Dennis Limbo, 38 anyos, residente sa Brgy. Commonwealth, Quezon City. Siya ay nadakip bandang 3:45 pm sa Litex Road, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Si Limbo ay may pending Warrant of Arrest para sa kasong R.A. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act as amended by R.A. 11648) na inisyu ng  Branch 99, RTC, National Capital Judicial Region, Quezon City.

Samantala, nadakip din ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) sa ilalim ni P/Lt. Col Leonie Ann Dela Cruz ang no. 5 most wanted person ng estasyon na kinilalang si Josefa Bulan, 41 anyos, residente sa Brgy. Payatas, Quezon City. Siya ay naaresto dakong 2:00 pm sa Sierra Madre St., Group 2 Area B, Brgy. Payatas, Quezon City.

Si Bulan ay may Warrant of Arrest para sa kasong R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) mula sa Branch 228, RTC, National Capital Region, Quezon City. 

Nadakip din ng estasyon ang no. 7 most wanted person na kinilalang si Reynaldo Mensurado, 45 anyos, residente sa Visayas St., Group 3, Area B, Brgy. Payatas, Quezon City.

Dakong 5:05 pm nang madakip si Mensurado sa  Visayas St., Group 3, Area B, Brgy. Payatas, Quezon City. Siya ay may warrant of arrest para sa kasong R.A. 9165, mula  sa Branch 103, RTC, National Capital Judicial Region, Quezon City.

Sa operasyon ng Pasong Putik Police Station (PS 16) sa ilalim ni P/Lt. Col. Josef Geoffrey Lim, nadakip si Melvin Umali, 22 anyos, residente sa Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City. Siya ang no. 1 most wanted person ng estasyon at nadakip dakong 11:20 pm sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), National Capital Region, Caloocan City Jail, Brgy. Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Si Umali ay may Warrant of Arrest para sa kasong Murder na inisyu ng Branch 220, RTC, National Capital Region, Quezon City. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …