Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Itan Rosales VMX V

Itan Rosales, hataw to the max ang showbiz career

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

WALANG DUDANG pambato sa mahabang listahan ng Vivamax leading men ang hunk at guwapitong actor na si Itan Rosales.

Hataw to the max ang showbiz career ng guwaping na alaga ni Ms. Len Carrillo.

Leading man si Itan sa pelikulang “Hiraya” na streaming na ngayon sa Vivamax. Tampok dito si Rica Gonzales at ito’y prodyus ng 3:16 Media Network at directed by Sidney Pascua.

Tampok din sa pelikula sina Quinn Carrillo, Panteen Palanca, Tabs Sumulong, Jhai Slvr, JD Aguas, Elmo Elarmo Jr, Aj Oteyza, Nathan Rojas, VJ Vera, Mark Grabador at marami pang iba.

Bida rin si Itan sa movie na “Kaskasero” with Christine Bermas at Angela Morena. Ito’y sa direksiyon ni Ludwig Peralta at isinulat ni Quinn Carrillo at Direk Sidney Pascua. Assistant Direktor din dito si Quinn. Ito’y mula rin sa 3:16 Media Network ni Ms. Len.

Isa rin siya sa lead stars ng pelikulang “Uhaw” ng VMX Queen na si Angeli Khang at VMX Princess na si Ataska. Ang pelikula ay mula sa pamamahala ni Direk Bobby Bonifacio Jr.

Bukod sa pagiging aktor, si Itan ay miyembro rin ng all-male sing and dance group na VMX V, na madalas mag-perform sa Viva Cafe sa Cubao, Quezon City. Kasama ni Itan sa grupo sina Karl Aquino, Marco Gomez, Calvin Reyes, at ang bagong member nitong si Dio de Jesus.

Si Itan ay naging member din ng Clique V, pero dahil sa pandemic ay hindi siya nakapag-perform sa grupo.

Siya ay isang basketball player din at sa kanyang height na 5′ 11″ at matipunong katawan, hindi lang mga kababaihan, kundi pati mga bading ay tinitilian si Itan kapag nagpe-perform ang kanilang grupo sa Viva Cafe.

Thankful ang guwapings na aktor sa mga blessing na dumarating sa kanya, lalo na sa pag-arte sa pelikula. Sunod-sunod kasi at hindi nababakante si Itan sa iba’t ibang projects.

Pahayag ni Itan, “Siyempre una sa lahat, sobrang thankful ako at nagpapasalamat sa Panginoon na binigyan ako ng ganitong opportunity.

“Thankful din po ako, specially sa aking manager na si Tita Len dahil kung hindi dahil sa kanya, wala po ako rito. So, thank you so much Tita Len, I love you.’

“Ang movie ko po, now streaming na po ngayon yung Hiraya, and upcoming movies ko ay Kaskasero po at Uhaw.”

Ano ang role niya sa Hiraya? “Ang role ko po sa Hiraya, isa po akong kagawad na masungit. Doon po ako nahirapan, kasi sa totoong buhay ay hindi naman po ako masungit or what.”

Ano ang meaning ng Hiraya? “Ang alam ko, ang ibig sabihin ng Hiraya is diwata, eh. Kaya Hiraya ang title, si Rica Gonzales ang hiraya rito, siya yung parang diwata na matatagpuan sa ilog. Kumbaga, hindi siya magbibigay ng malas, kundi paparusahan niya iyong mga masasamang tao.”

Pagpapatuloy pa ni Itan, “Ang role ko po sa Kaskasero, para akong si Paul Walker and yung movie ay mala-Fast & Furious. Talagang iyon ang pinanghawakan kong role nang ginagawa namin ito. Pati yung mga outfit ko po rito, talagang ginaya po namin kay Paul Walker.”

Ipinahayag din ni Itan na ang paglabas niya sa Vivamax ay stepping stone lang. “Oo naman po, gusto ko rin makatawid sa main stream,” nakangiting sambit niya.

Ayon pa sa aktor, idol niya talaga sina Piolo Pascual at Gerald Anderson dahil sa husay ng dalawa bilang aktor.

Si Andrea Brillantes naman ang wish niyang makatrabaho dahil crush daw niya ang Kapamilya actress.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …