RATED R
ni Rommel Gonzales
IBANG level na ang panonood ng mga pelikulang Pinoy dahil ipinakilala na ng GMA Pictures ang official YouTube channel nito – www.youtube.com/@GMAPictures – ngayong Hulyo.
Tiyak na mae-enjoy ng viewers ngayong buwan ang high-quality at well-loved films na gawa ng GMA Pictures, katulad ng The Road, Mulawin the Movie, Just One Summer, My Kontrabida Girl, I will Always Love You, at marami pang iba.
Kasama rin sa mapapanood dito ang Ang Panday, Dance of the Steel Bars, I.T.A.L.Y., In Your Eyes, My Lady Boss, The Promise, When I Met U, Tween Academy, You To Me Are Everything, Boy Pick-Up The Movie, Patient X, at Temptation Island.
Bukod pa sa Kapuso films, mahigit 300 pelikula pa ang inaasahang magiging available sa GMA Pictures YT channel, mula sa iba’t ibang genre tulad ng action, drama, comedy, romance, adventure, suspense, at historical movies.
Dahil sa paggawa ng mga high-quality at culturally relevant na pelikula, naging prominente ang GMA Pictures sa Philippine cinema landscape at umani ng papuri mula sa mga lokal at internasyonal na manonood.
Kabilang na rito ang Philippine Centennial offering ng GMA Films, ang highly successful na Jose Rizalna ipinalabas noong 1998. Sinundan pa ito ng Muro Ami noong 1999.
Noong 2023, muling ipinamalas ng GMA Pictures sa moviegoers ang paggawa ng mga fresh at edgy titles tulad ng The Cheating Game, Video City (co-produced kasama ang Viva Films), at Five Breakups and a Romance (co-produced kasama ang Cornerstone Studios at Myriad). Sa taon ding ito mas lalong pinagtibay ng GMA Pictures ang kanilang comeback sa pamamagitan ng Firefly na nanalo ng back-to-back Best Picture awards sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at Manila International Film Festival sa Los Angeles.
Ngayong taon naman, inilunsad nito ang latest collaboration kasama ang Viva Films, ang suspense-thriller na Playtime.
Kabilang din ang GMA Pictures sa 2024 Cinemalaya Independent Film Festival. Mapapanood sa Cinemalaya ang full-length film entry na Balota mula sa GMA Pictures at GMA Entertainment Group.Ang kauna-unahang investigative docu-film ng GMA Public Affairs na Lost Sabungeros ay magiging bahagi rin ng film festival.
Magkakaroon din ng special screening para sa Firefly digitally-restored na Jose Rizal, at highly acclaimed documentaries ng GMA.