Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
InnerVoices

InnerVoices patuloy sa paghataw, 2 songs ng banda official entries sa Awit Awards

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MARAMING aabangan sa InnerVoices bago matapos ang taon. Kabilang dito ang bagong song at ang biggest concert ng grupo.

Ang InnerVoices ay regular na nagpe-perform sa Hard Rock Café Makati, 19 East, Bar IX, Bar 360 Degrees, Aromata sa Quezon City, at iba pang music lounges.

Ang dalawang kanta ng grupo ay natanggap sa Awit Awards, ito ang Isasayaw Kita na entry for Song of The Year, Best Performance by a Group Recording Artist, and entry din ito for Music Video of The Year, ang kantang Hari naman ay entry for Best Inspirational Recording.

Ano ang reaction nila rito?

“Of course, we are elated and grateful din kami kasi all our dreams are there. Iyon lang na line-up kami… proud na kami roon.”

Kamakailan ay nanalo rin ang InnerVoices sa 14th Star Awards for Music ng Best Revival of the Year para sa kantang Paano.

Anyway, “Attorney” kung tawagin ng mga miyembro ng band leader nilang si Rey Bergado. At hindi iyon biro o bansag lang, abogado talaga siya sa isang bureau ng gobyerno. Actually, hindi lang siya band leader, siya rin ang founder ng grupo noong Political Science student pa lang siya sa isang Catholic college sa Maynila. Mahilig na siyang kumanta, tumugtog, at mag-compose noong nasa college pa lang siya.

InnerVoices ang naisip niyang ipangalan sa grupo dahil kabilang sa mga ipe-perform nila ay compositions ni Atty. Rey at ng mga na-recruit niyang member na schoolmates niya. Ito’y noong noong 1991 pa.

Ilang taon lang nakapag-perform ang Innervoices dahil kinailangang magtapos sila ng college, at kailangang dumeretso sa law school ang bandleader para hindi siya maituring na suwail o rebeldeng anak. Sa San Beda College siya nagtapos ng Law.

Noong naging lawyer at nagtatrabaho na si Rey, binuo n’ya uli ang InnerVoices noong early years ng 2000 pero dalawa na lang sa limang original members ang handang bumalik sa banda. At iyon ay ang gitaristang si Rene Tecson at ang drummer na si Ruben Tecson (magkapatid pero ‘di magkasama sa isang band bago sila kunin ni Atty. Rey). Dahil dito’y kumuha ng mga bagong miyembro si Atty. Bergado.

Noong 2004 ay nag-record na sila ng ilan sa mga komposisyon ni Atty. Bergado.

Noong 2016, si Angelo Miguel na ang naging vocalist ng grupo at hanggang ngayon ay siya pa rin, pati na sa dalawang latest singles nila na Anghel, Isasayaw Kita, at Hari.

Malaki ang agwat ng edad ng lawyer-band leader sa mga edad ng kanyang bagong recruits. Pero ayaw niyang umastang parang ama nila. Mas gusto ni Atty. Rey na magturingan silang magkakabarkada at magkakaibigan.

Noong nag-pandemic naman, sarado ang music lounges, gumawa siya ng chat group nila para lagi silang makapagkumustahan at makapagtulungan. Nagtatawagan din sila kung kinakailangan.

Kabilang sila sa mga bandang kumontak sa music lounges noong mag-umpisang magbukas para ipabatid na handa nang mag-perform uli ang InnerVoices.

“May mga puwesto na di na namin kailangang tawagan para magpresenta, dahil kapag nabalitaan nilang tumutugtog na uli kami, sila na ang tumatawag sa amin para bigyan kami ng slots sa schedule nila,” pagbabahagi ni Atty. Bergado.

Kaaya-aya naman ang results ng samahan, sigla, at husay nila. Noong 2015 ay nagsimula silang umani ng award, bilang Best New Group Recording Artist sa Awit Awards na siyang Philippine music industry award.

Bukod sa mga nabanggit na, ang kasalukuyang miyembro ng InnerVoices ay sina Joseph Cruz (keyboards), Rene (guitar) at Joseph Esparago (drums and percussions). Keyboard din ang hawak ni Atty. Bergado, at naggigitara rin ang lead vocalist na si Angelo (na siyang composer ng “Isasayaw Kita”).

Pinaplano na ang solo concert nila sa December at EP album sa September. Desidido rin si Atty. Bergado na mag-release ng latest compositions niya.

Music of the 80s and 90s ang espesyalidad ng InnerVoices. Sinasayawan ng audience nila ang bersiyon nila ng A-ha ng Take On Me, Just Got Lucky, Buttercup, Always Something There to Remind Me.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …