RATED R
ni Rommel Gonzales
PINASILIP ang ilang eksena ng Cinemalaya entry na Balota, ang pelikulang pinagbibidahan ni Marian Rivera, sa katatapos na Cinemalaya press conference noong July 10.
Marami ang kaagad na bumilib at napapalakpak sa proyektong ito ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group.
Posters at teasers pa lang ay marami na ang nag-aabang sa pelikula. Ngayong ipinakita na nga sa publiko ang trailer, lalo pang na-excite ang mga manonood sa proyektong ito ni Marian. Marami ang ngayon pa lang ay pumupuri na sa kanyang pagganap bilang si Emmy, isang guro na malalagay ang buhay sa alanganin sa gitna ng eleksiyon.
Komento ng ilang netizens: “This will slay and will give Marian Rivera numerous awards left and right! Congrats GMA Pictures isa ito sa pinaka-matapang na issue sa politika.”
Ibinahagi naman ni Marian sa isang panayam ang realizations niya sa latest project na ito. Aniya “Ang sarap gumawa ng pelikula dahil sa ‘Balota.’”
Ito ang kauna-unahang Cinemalaya entry ng aktres.
“’Yun ‘yung pinakamaganda ‘pag gumagawa ka ng isang proyekto, ‘yung mensahe ng pelikulang ipinaaabot mo sa manonood, very excited kami kung ano ‘yung magiging impact nito sa mga makakapanood,” dagdag pa niya.
Mula sa panulat at direksiyon ni Kip Oebanda, tampok din sa pelikula sina Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Gardo Versoza, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, Esnyr, at Sassa Gurl. (Rommel Gonzales)