Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Skye Gonzaga

Skye Gonzaga, walang limitations sa pagpapa-sexy sa movies

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG newbie sexy actress na si Skye Gonzaga ay isa sa aabangang artists sa mga project ng Vivamax.

Palaban sa pagpapa-sexy ang alagang ito ni Lito de Guzman. Siya ay 21 years old at sa vital statistics niyang 34-24-36, swak na swak siyang sumabak sa mga sexy films.

Sa taglay na ganda at kaseksihan ng dalaga, siya ang tipo ng babaeng hahanap-hanapin at aasamin ng mga barako na makapiling sa kanilang panaginip, gabi-gabi.

Pero hindi lang sa pagpapa-sexy maaasahan si Sky, siya ay may talento rin sa pagiging DJ, kaya’t binigyan din siya ng kontrata bilang official DJ artist sa ilalim ng Viva Artist Talent Management.

Hindi lang galing sa pagsasalita kundi husay sa pag-arte ang handa niyang ipakita sa Vivamax. Abangan ang kanyang pelikulang “Baliskat” at “Ang Pintor at ang Paraluman”.

Ano ang masasabi niya sa kanyang manager na si Lito? “Okay naman po, mabait siya sa akin,” masayang pakli ni Skye.

Kailan siya nag-start mag-showbiz?

Tugon ni Skye, “About two months na po, bago pa lang po ako sa showbiz but naka-dalawang movies na ako.”

Aniya pa, “Hindi pa po ipinalalabas iyong nagawa kong movies. Ang title po ay ang Ang Pintor at ang Paraluman, pangalawang movie ko po is Baliskat.”

Ano ang role niya sa movies na iyan and sino ang casts?

“Unang movie ko is supporting role po ako then pangalawa ay lead po. Sina Ali Asistio ang kasama ko at ‘yung pangalawa ay si Apple Dy naman po ang isa sa casts.”

Ano ang ibig sabihin ng Baliskat? “Hindi ko po alam ang ibig sabihin ng Baliskat,” matipid na sagot ni Skye.

Pagdating sa limitations niya sa paghuhubad o pagpapa-sexy, depende raw ito sa project at kung kailangan ba talaga sa ginagawa nilang pelikula.

Gaano siya ka-sexy rito sa mga pelikulang ito at gaano ka-hot ang love scenes na ginawa niya?

Esplika ni Skye, “Super-sexy po, super-sexy po as in lahat napakita ko po, pero naka-plaster naman ako. May kissing-scenes din ako rito sa kapwa ko babae at love scenes.”

Nang usisain namin ang kanyang showbiz crush, medyo naintriga kami sa sagot niya. Hindi lang kasi lalaki ito, mayroon ding aktres.

Pahayag ng sexy newcomer, “Sa lalaki is si Coco Martin, sa babae naman ay si Lovi Poe ang crush ko po.”

Bakit sila?

Sambit ni Skye, “Kasi po, magaling si Coco sa mga movies niya, madadala talaga ang mga tao sa husay niya. Si Lovi Poe naman, super hot and sexy niya sa mga movies na ginagawa niya.”

May babae siyang showbiz crush, hindi ba siya nag-aalalang baka intrigahin o mapagkamalan siyang bisexual?

“Hindi po ako bi, hahaha!” Nakatawang wika ni Skye.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …