Sunday , May 11 2025
shabu drug arrest

P.27-M halaga ng shabu kompiskado, most wanted, manunugal, arestado

NAGSAGAWA ng serye ng pinaigting na operasyon ang pulisya sa Bulacan na nagresulta sa pagkakakompiska ng ilegal na droga at pagkakaaresto sa 15 personalidad sa droga, limang wanted na kriminal, at tatlong ilegal na manunugal sa lalawigan kamakalawa at hanggang kahapon.

Sa mga ulat na isinumite kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nagsagawa ng matagumpay na drug sting operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Miguel Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Lakas sa Brgy. Ang Sta. Lucia, San Miguel, Bulacan.

Nakompiska sa suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) na P102,000 kasama ang marked money.

Bukod dito, magkahiwalay na buybust operations ang isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Balagtas, Meycauayan, Baliwag, Angat, at Plaridel C/MPS, kung saan 14 na nagbebenta ng droga ang naaresto.

Nasamsam sa mga operasyon ang 39 plastic sachets ng hinihinalang shabu na may karaniwang presyo na P171,444, iba’t ibang drug paraphernalia, at buybust money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit ang mga nakompiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri, habang ang reklamong kriminal para sa mga paglabag sa RA 9165 laban sa mga suspek ay inihahanda na para sa pagsasampa sa korte.

Samantala, limang kriminal na wanted sa iba’t ibang krimen at paglabag sa batas ang inaresto ng tracker team ng Bulacan PNP sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte.

Sa kabilang banda, isang anti-illegal gambling operation ang isinagawa ng Marilao Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong ilegal na manunugal na nahuli sa aktong nagsusugal ng cara y cruz.

Kasama sa mga nakompiskang ebidensiya ang tatlong pisong barya na ginamit bilang pang-kara, at perang taya sa iba’t ibang denominasyon.

Ang lahat ng mga akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting unit o estasyon para sa naangkop na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …