Friday , November 15 2024
Bulacan

P5.3-M mula sa Bulacan DRRM Fund, ipinagkaloob sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño

NATANGGAP ng 1,039 magsasaka ng palay sa bayan ng San Miguel at 30 mangingisda sa Obando ang tig-P5,000 tulong pinansiyal mula sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Provincial Agriculture Office (PAO) Head Gloria Carillo, ito ay bahagi ng mga tulong na ipinagkakaloob ng Kapitolyo sa mga magsasaka at mangingisda na pinakanaapektohan ng nakalipas na tagtuyot o El Niño.

Nagmula ang pondo mula sa P5.3-milyong bahagi ng Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) fund ng Kapitolyo.

Base sa tala ng PAO, aabot sa 1,835 hektarya ng lupang sakahan ng palay sa San Miguel ang pinakalabis na naapektohan ng El Niño na pinakamalaking sakahan ng Palay sa Bulacan.

Ipinaliwanag ni Gob. Fernando na minarapat ng pamahalaang panlalawigan na iprayoridad na matulungan ng lokal na DRRM Fund nito ang mga magsasaka at mangingisda, dahil nakasalalay dito ang kanilang kabuhayan at ang seguridad sa pagkain ng mga Bulakenyo.

Para kay Alberto Sacdalan, isa sa mga magsasakang taga-San Miguel na nagsasaka sa 1.2 hektaryang palayan, magandang panimula ang halagang P5,000 upang makabawing muli sa ani at kita.

Nasa 50 kaban lamang aniya ang naani na palay sa isang hektarya na sadyang mababa kompara sa 100 hanggang 120 kaban kapag walang El Niño.

Ilalaan aniya ang natanggap na tulong pinansiyal na pambili ng binhi na sa kanyang pagtataya, mangangailangan siya ng inisyal na tatlong sako ng binhi na may bigat na 40 kilo at bawat isang sako nito ay nagkakahalaga ng P1,600.

Nangako ang Gobernador na magpapadala ang pamahalaang panlalawigan ng mga organic fertilizers sa nasabing mga benepisaryo upang matiyak na matuloy ang pagtatanim ng ikalawang cropping.

Sinabi ni Carillo, inaasahan nang magsisimula ang Department of Agriculture (DA) na magsuri sa Bulacan kung sino-sino ang mga naapektohan ng El Niño na dapat pang pagkalooban ng tulong, bukod sa ibinigay ng pamahalaang panlalawigan.

Kaugnay nito, bukod sa tig-P5,000 tulong pinansiyal, pinabaunan sila ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga family food packs.

Tiniyak ni DSWD-DRRM Division Team Leader Ferdinand Monares, handa ang ahensiya na dagdagan ang nasabing food packs kung kinakailangan base sa rekomendasyon ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO). 

Samantala, nagpahayag ng kahandaan si Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Manuel Lukban na patuloy na susuporta at aagapay ang tanggapang ito ng pamahalaang panlalawigan, sa mga magsasaka at mangingisda sa panahon ng kalamidad, pagbangon mula rito at maging sa climate change resilient. (MICKA BAUTISTA) 

About Micka Bautista

Check Also

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …