Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kuh Ledesma Sings Her ABC

Kuh wish maka-collab si KZ, humahanga kay Jona

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ASKED kung sino ang “pinaka” sa mga iniidolo niyang mang-aawit in her lifetime, si Whitney Houston ang sinabi ng OPM’s Pop Chanteuse  na si Kuh Ledesma sa press conference para sa kanyang August 3, 2024 concert sa Winford Hotel and  Casino Ballroom.

Entitled Kuh Ledesma Sings Her ABC, the diva will belt out different pieces na karamihan ay hindi pa rin niya nakanta. 

And next to Whitney, it’s Barbra Streisand. 

Si Kuh ay hindi rin nadadala sa klase ng mga kantang nagsusumigaw o birit. Dahil may kanya-kanya raw na kalidad ang bawat mang-aawit na ‘di naman kailangan lahat eh pare-pareho na. 

Kaya kung magko-collab siya sa isang kanta o performance, pipiliin niya si KZ Tandingan. At humahanga rin siya kay Jonalyn Viray.

Proud si Kuh sa dalawang guwapong bagets na guests niya sa show. Sina David Young and Nathan Randal. Na sinusuportahan niya dahil sa angkin nilang talento.

Gusto pa rin niyang mag-emote sa harap ng kamera. But please, no more kontrabida roles na raw.

Gagawing pelikula ng buhay niya. Oo raw. May plano. At ang kagaya niyang maganda ng gaganap bilang siya. Si Rhian Ramos.

We’re toying with the idea. Pero pinipili ko pa kung ano ang mauuna. Another song perhaps. A Gospel song which will propagate the Lord’s teachings. Who has given us 7,400 plus promises. Did you know that?”

Very thankful ang direktor na si Vergel Sto. Domingo dahil sa tagal na nakasama niya si Kuh bilang taga-produksiyon, ‘di niya inakala na ang isang pangarap ay matutupad. At sa isang show pa na siya ang magmamando.

Naging emosyonal si direk Vergel nang matanong kung may beneficiary ba ang show. Mayroon daw.

Para sa kaibigang nangangailangan ng kidney transplant. Na lumalaban pa para mabuhay. Dahil nag-flatliner na raw ito. Pero ito pa rin si Chef Boom Jota.

May purpose nga para mapagsama-sama sa isang show sina Kuh, ang dalawang bagets at ang Rota Musika Pilipinas. All for the glory of God.

At kapag nag-share na si Socorro (Kuh) ng mga karanasan niya  sa pagiging isang Christian tunay namang maaantig ang puso at damdamin ng bawat makikinig.  

Kung may ABCs ng life, may ABCs din si Kuh sa kanyang musika. 

Sabihin natin si Adelle, Barbra o Christina pa ‘yan. Kayang -kaya! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …