Sunday , December 22 2024

Choosing (Not A Straight Play): Pagdiriwang ng LGBT Pride Month

NAGANAP noong Hunyo 29 ang world premiere ng pinakahihintay na palabas na Choosing (Not A Straight Play) kaugnay ng pagdiriwang ng LGBT Pride Month, mula Hulyo 7, 2024, sa Power Mac Spotlight Blackbox Theater, Circuit, Makati. Ang original play na ito, na nilikha ng powerhouse  LGBTQIA+ couple na sina Ice Seguerra at Liza Dino at idinirehe ng kilalang si Dr. Anton Juan, ay nangangakong maghahatid ng makabuluhang kuwento tungkol sa pagmamahalang hindi base sa kasarian ng mga tao kundi sa pagmamahal nila sa isa’t isa.

Ang Choosing (Not A Straight Play) ay isang taos-pusong pagsisiyasat ng pagkakakilanlan, pag-ibig, at tapang na maging tapat sa sarili. Isinulat ni Liza, na may karagdagang monologues mula kay Ice, ang play ay hinango mula sa kanilang mga personal na karanasan at koleksiyon ng mga kuwento ng LGBTQIA+ sa loob ng maraming taon. Nag-aalok ito ng kapana-panabik na kuwento na nagbubura ng linya ng katotohanan at kathang-isip.

We’re not just telling a story, we’re sharing a part of our souls with the audience. It’s about the raw, sometimes painful journey to find not just love, but ‘yung acceptance and happiness lalo na sa society na ginagalawan natin,” ani Liza, writer at co-star ng play.

My hope is that this play will break barriers to understanding the individual experience of people from the LGBTQIA+ community. Through these stories and shared experiences, we’ll realize that we have more commonalities than differences,” dagdag ni Ice habang ibinabahagi ang misyon ng play para i-promote ang inclusivity.

Kaya rin namin siguro piniling gawin ito sa Powermac Spotlight para mas maraming tao ang makapanood and even the tickets, nasa P1000 pesos lang at most expensive na ay P1500 para mas maging accessible sa lahat.”

Sina Ice at Liza ay kilalang mga personalidad sa Philipine Entertainment industry na kilalang active sa kanilang advocacy sa LGBT at kontribusyon sa sining. Idinirehe ni Dr. Anton, Luminary ng Philippine Theater kasama ang musika mula sa award-winning composer at librettist na si Vince de Jesus, ang Choosing (Not A Straight Play) ay maghahatid ng makapangyarihang kuwento na humahamon sa mga pananaw at ipinagdiriwang ang spectrum ng karanasang pantao.

Ang ‘Choosing’ ay hindi lamang tungkol kina Ice at Liza, ito ay tungkol sa pagtanggap sa mga hindi nakikita at hindi naririnig na mga kuwento sa LGBTQIA+ community at paghahanap ng espasyo upang tuklasin ang mga pakikibaka na kanilang kinakaharap sa lipunan at ang mga komplikasyon ng karanasang ito.” sabi ni Dr. Anton.

Maging bahagi ng makasaysayang kaganapang ito na naglalayong itaas ang antas ng mga pag-uusap tungkol sa pag-ibig, pagkakakilanlan, at pagtanggap.

Para sa karagdagang impormasyon at upang bumili ng mga tiket, mangyaring bisitahin ang Ticket2Me. Ang presyo ng tiket ay nagsisimula sa Php 1000 para sa Silver, 1300 para sa Gold, at 1500 para sa Platinum.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …