Sunday , December 22 2024
Rainner Acosta Dr Nannette R. Rey-Melgarejo

Apo ni Rodel Naval nagbabalik sa music scene

RATED R
ni Rommel Gonzales

LIMANG taong huminto sa pagkanta ang dating The Voice Philippines contestant na si Rainner Acosta at ngayon ay nagbabalik na sa music scene.

Magiging visible na uli ako sa music scene,” lahad ni Rainner na grand-nephew ng yumaong OPM icon na si Rodel Naval.

Magkakaroon siya ng mini-concert na pinamagatang Getting Back on Track  sa The New Music Box, Timog, Quezon City, sa July 14 at 18.

Ihinayag niya ang rason kung bakit tila nawalan siya ng gana na mag-perform sa loob ng limang taon, ang dati niyang karelasyon.

Dumating sa point na ayaw niya akong kumanta. 

“Nawalan ako ng ensayo kasi ayaw na niya akong pakantahin. Siguro nagseselos,” pahayag ni Rainner.

Naging challenge sa kanya na wakasan ang kanilang relasyon pero kinaya niya kahit nasaktan siya ng labis.

Si Rainner ay isang singer-composer na sumali sa Season 1 ng The Voice Philippines sa ilalim ng Team Lea Salonga.

Ang Bulakenyong singer ay naging three-time defending champion ng Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime ng ABS-CBN.

Last year 2023 ay grand finalist at multi-medal winner si Rainner sa US World Championships of Performing Arts (WCOPA).

Sa lovelife ay maligaya ngayon si Rainer sa piling ng misis niyang si Dr. Nannette R. Rey-Melgarejo, past president ng Philippine Heart Association (2018-2019) at associate professor sa De La Salle College of Medicine. Isa ring mang-aawit, ang misis niya na naging inspirasyon para muling ituloy ni Rainner ang pag-awit.

Kuwento ni Dra. Nannette, “During his rehearsals for WCOPA, napapansin namin ang likot ng mata niya at walang eye contact.

“We were telling him mahihirapan siya mag-connect sa audience niya kapag malikot ang mata niya. ‘Yun din ang comment ng marami sa kanya.

“Then in California, he was critiqued by the mentor of Michael Bolton. ‘Yun din ang comment sa kanya na powerful ang voice niya pero kulang sa connection.

“He was telling me kinakabahan siya. I always tell him to continue singing to improve his craft. So when I saw him training for WCOPA, I told myself ito ang mundo ng asawa ko. I told him to continue training.

Siya ang nag-encourage sa akin na ibalik ko ang pagkanta,” pagtukoy pa ni Rainner sa misis niya.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …