Sunday , December 22 2024
Lara Morena

Lara Morena tiwalang papasukin at kikita ang unang ipinrodyus na pelikula 

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISA na ring producer si Lara Morena dahil kasosyo siya sa pelikulang Sagrada Luna.

Kaya tinanong namin ang aktres kung hindi ba siya naaalarma na matapos ang Metro Manila Film Festival ay tila nalulugi na muli ang mga pelikulang lokal na ipinalalabas sa mga sinehan dahil sa kawalan ng mga nanonood?

Ay, talaga? Hindi ako aware ha,” bungad na sinabi sa amin ni Lara.

“Pero for me siguro, ‘yung sa amin naman hindi naman ako maaalarma kasi we have the promotion na ginawa, ‘yung scheme talaga na ginawa like this one, watch  and win.

“So hindi ako maaalarma na magiging first and last day lang ‘yung movie namin kasi partnership kami with F1KD program.”

Pero bilang artista ano ang saloobin ni Lara tungkol sa kawalan ng interes at kakayahan ng publiko na manood ng mga pelikula sa sinehan.

Lahad niya, “Bilang artista medyo nakalulungkot siyempre kasi siguro hindi pa talaga ganoon ka-ano ‘yung mga tao para panoorin ‘yung mga pelikulang Filipino.

“But para sa akin siguro kung, nasa pelikula rin iyon kasi, eh. Like ako alam ko naman kung maganda o hindi, biased ako, eh.

“Kumbaga kung ano ‘yung, like eto, ‘yung mga pamangkin ko, kapag pinanonood ko sila ‘Anong ginagawa mo rito?’

“Ako mismo ang nagsasabi sa kanila na hindi maganda ‘yung akting nila. ‘Anong ginagawa mo riyan?’

“Pinapagalitan ko sila.”

Pamangkin ni Lara ang mga Vivamax female stars na si Angela Morena, Micaella Raz, at Stephanie Raz na kasali rin sa Sagrada Luna.

Samantala, bukod kay Lara kasama rin sa pelikula sina Rash Flores at Alexa Ocampo at sina Simon Ibarra, Leandro Baldemor, at Jeffrey Santos.

Nasa pelikula rin sina Ada Hermosa, Audrey Avilla, Chester Grecia, at Amabella De Leon, at idinirehe ni Jose “JR” Olinares.

Mula sa Pinoyflix, magbubukas ito sa mga sinehan sa July 24.

Ang promo naman na binanggit ni Lara tungkol sa pelikula ay simple: bumili lamang ng ticket para sa red premiere night ng pelikula (sa July 18, 4:00 p.m. sa SM Megamall Cinema 8) at may pagkakataong manalo ng mga malalaking premyo.

Ang proceeds o kikitain ng pelikula ay

para sa F1KD Program na naglalayong tumulong sa mga kabataan at estudyanteng nangangailangan ng pinasiyal na tulong at suporta.

Nabuo ito sa kooperasyon ng The Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles (TFOE-PE Inc.) at Pinoyflix Entertainment Production.

Nagpirmahan ng Memorandum Of Agreement ang Pinoyflix Entertainment Production at TFOE-PE Inc. na dumalo ang National President Eagle Kuya Ronald delos Santos, Secretary General Eagle Kuya Allan Corpuz, Board of Trustee/Peil Director Eagle JM Llames, at Board of Trustee Kuya Yuri.

Mula naman sa Pinoyflix Entertainment Production ay dumalo ang direktor ng pelikula na si Jose Olinares at Production Manager Sam Faj. Calaca.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …