Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Carla Abellana Widows War

Carla starstruck pa rin kay Bea

RATED R
ni Rommel Gonzales

HANGGANG ngayon, lagi kong sinasabi na kapag mayroon kaming eksena na-i-starstruck pa rin ako sa kanya,” umpisang pahayag ni Carla Abellana tungkol sa co-star niyang si Bea Alonzo sa upcoming Kapuso series na Widows’ War.

Iyon po ‘yung totoo, it’s the truth. 

“I think I mentioned one time po na hindi ko akalain na aabot po sa ganitong point na talagang makakatrabho ko po siya. 

“Kasi for me parang wishful thinking lang po iyon noon.

“So noong nabalitaan ko po sobra po akong na-excite na may kaunting kaba. 

But my goodness,” bulalas pa ni Carla, “she is everything I imagined her to be, plus more.

“Napaka-passionate po niya, she’s dedicated to her craft, pati po iyong maliliit na detalye alam po niya. 

“Mabait po siya, madali siyang pakisamahan, wala pong reklamo, very patient.

“And of course napakahusay po.”

Sa Widows’ War, bilang si Georgina Balay, ano ang kaibahan nito sa mga nagawa niya sa mga nakaraan niyang teleserye o pelikula? Paano siya nakare-relate sa katauhan ni Georgina o George?

Actually hindi po ako nakare-relate gaano,” pag-amin ni Carla.

Very different si ahhh… although I did a soap po, ‘yung aking project prior to this one was ‘Stolen Life,’ in a way thankful po ako na naging stepping stone po iyon kasi matapang po ‘yung isang character ko roon as Farrah.

“So ang layo eh, ibang-iba rito si George. Somehow parang nahihirapan po akong maka-relate sa kanya.

“She’s ambitious, she will do anything and everything to get what she wants, pagdating sa pamilya gagawin niyang lahat kahit mali.

“So iba, matapang itong si George kaya medyo hirap po akong maka-ralate sa kanya in real life,” lahad pa ni Carla sa ginanap na grand mediacon.

Gaganap naman dito si Bea bilang si Samantha Castillo. Sa direksiyon ni Zig Dulay, kasama rin sa powerhouse cast sina Tonton Gutierrez bilang si Galvan, Jeric Gonzales bilang Francis, Juancho Triviño bilang Abdul, Jackie Lou Blanco bilang Ruth, Lito Pimentel bilang Amando, Timmy Cruzbilang Mercy, Rita Daniela bilang Rebecca, Royce Cabrera bilang Jericho, Lovely Rivero bilang Vivian, James Graham bilang Louie, Charlie Flemming bilang Sofia, Matthew Uy bilang Edward, at Jean Garcia bilang Aurora.

May espesyal na mga papel naman sina Benjamin Alves at Rafael Rosell

Mapapanood na sa GMA Prime, 8:50 p.m. at sa delayed telecast sa GTV, 10:50 p.m.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …