Sunday , December 22 2024
dead gun police

Dayuhang may negosyong 5-6 bulagta sa bala

Binawian gn buhay ang isang Indian national matapos baralin ng suspek na nakasakay sa motorsiklo sa Brgy. Camias, bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 29 Hunyo.

Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang biktimang si Gunwinder Singh alyas Michael, 23 anyos, Indian national at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. San Jose, sa nabanggit na bayan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, habang sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima ay dumating sa nasabing lugar ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklong Yamaha Sniper at biglang pinagbabaril siya nang ilang beses na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Matapos ang pamamaril, tinangay ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima at tumakas patungong norte.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng San Miguel MPS upang matukoy ang pagkakakilanlan at pag-aresto sa mga suspek at hiniling din sa Bulacan Provincial Forensic unit na iproseso ang pinangyarihan ng krimen.

Isa sa tinitingnang motibo ng pulisya sa krimen ay inggit sa hanapbuhay na pahulugan at pautang na 5-6 ng biktima. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …