ni MARICRIS VALDEZ
PINANGUNAHAN ni Dingdong Dantes, chairman ng Aktor PH (League of Filipino Actors) ang nominasyon para gawing National Artist for Film and Broadcast Arts ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.
Humarap noong June 28 sa Sampaguita Hall ng Manila Hotel sampamamagitan ng isang press conference si Dingdongmpara pormal na iendoso ng kanilang organisasyon si Vilma. Anila, ito ang tamang panahon para kilalanin ang mga naiambag ng Star for All Seasons sa entertainment industry.
Inisa-isa ni Dingdong ang mga dahilan kung bakit karapat-dapat tanghaling National Artist si Ate Vi.
“May ongoing movement na eh. Hindi lang naman ito nagsimula sa amin, and I’m sure matagal na ito. Gaya ng nabanggit ko kanina, may 20 plus organizations that are also pushing for this and we’re just one of them,” ani Chair Dantes.
“She’s a protector of the community and, most importantly, a nation builder. Kung mayroon kang mga ganitong guiding principles, exemplified and brought to life literally by a person in the person of Vilma Santos, at sasabihin mo, ‘Ito ‘yung pamantayan eh.’
“And on that note, we wholeheartedly endorse the nomination of Rosa Vilma Santos-Recto to the Order of National Artists for Film and Broadcast.
“Renowned for her breathing life into roles described as women of substance, she has garnered numerous awards from prestigious bodies, whether here, local or international, solidifying her status as the most awarded actress in Philippine cinema history.
“Beyond the accolades, sa likod at sa kabila po ng mga iyon, Vilma Santos continues to leave an indelible mark on our cultural landscape, portraying iconic roles that deeply resonate with the Filipino psyche,” tuloy-tuloy na paglalahad
pa ni Dingdong.
Nabanggit ni Dingdong ang mga hindi mabilang na pelikula ni Vilma tulad ng Trudis Liit na nakuha ng first acting award ang aktres bilang Best Child Actress noong 1963 sa FAMAS, Darna (1973), at Dyesebel (1973).
Kabilang din sa mga ginawa ni Vilma ang mga premyado at makabuluhang pelikula tulad ng Relasyon(1982), Sister Stella L. (1984), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Anak (2000), at When I Met You In Tokyo (2023).
Binanggit din ni Dingdong ang magandang track record ni Ate Vi nang sumabak sa politika. Naging mayor ng Lipa, gobernador ng Batangas, at miyembro ng House of Representatives sa ika-6 congressional district ng Batangas.
Bukod sa Aktor PH, mayroong 20 organization pa at indibidwal ang nagsulong o nag-endoso kay Vilma. Ilan pa sa mga grupo, institutions, at personalidad na nag-endoso kay Vilma ay ang GMA Network, Star Cinema, ABS-CBN, UP College of Mass Communication sa Diliman sa pangunguna ni Dean Fernan Paragas, Philippine Association of State Universities and Colleges Tirso Ronquillo, Bicol University, Fashion Designers Association of the Philippines, UST Department of Communications and Media Studies, Ladlad, Viva Films, Manila Mayor Honey Lacuna, Mapua University Digital Program, Regal Entertainment, AKO Bicol party-list, at marami pang iba.