Sunday , June 30 2024
Tatlong notorious motornapper timbog

Tatlong notorious motornapper timbog

WALANG KAWALA ang tatlong kilabot na motornapper nang arestohin ng pulisya sa kanilang pinaglulunggaan sa Calumpit, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Eisbon Llamasares, hepe ng Calumpit Municipal Police Station (MPS), ang tatlong arestadong suspek ay kinilalang sina Cornelio Galang, 42, residente sa Lourdes St. Brgy. San Juan, Apalit, Pampanga; Jeffrey Lusung, 22, residente sa Cecilio St., Brgy. Sepung Bulaon, Porac, Pampanga; at John Raven Cuenco, 19, residente sa Zone 4 VDLR Subd., Brgy. Dila-dila, Sta. Rita, Pampanga.

Ayon sa ulat, nagsimula ang operasyon mula sa isang impormante sa Facebook messenger na nag-uulat na ang suspek na kinilala bilang ‘alyas Janxer’ at mga kasabuwat ay sangkot sa carnapping at pagbebenta ng mga nakaw na motorsiklo sa Calumpit, Bulacan at mga kalapit na bayan.

Napag-alamang inialok umano sa kanya ng nasabing mga suspek ang Yamaha Mio motorcycle, kulay Magenta, may temporary plate no. 1303-0132409 na kamakailan ay na-carnap sa Malolos City, Bulacan.

Dito nagsagawa ng buybust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos makipagsabwatan para ibenta ang karnap na motorsiklo kay Police Officer Pat King Narish Khalid na nagsilbing poseur buyer bilang kapalit ng isang pirasong P1,000 bill at siyam na piraso ng photocopy ng P1,000 boodle money.

Nakompiska sa suspek na si Cornelio Galang ang marked money, isang pirasong kalibre .38 revolver na kargado ng apat na bala at samot saring susi ng motorsiklo, ang nasbaing carnapped motorcycle , at sasakyang Nissan Sentra, may plate no. UVD177./

Ang mga nakompiskang piraso ng ebidensiya ay dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (BulPFU)

para sa naaangkop na pagsusuri, habang kasong kriminal para sa paglabag sa RA10591 ang inihahanda laban sa mga suspek na isasampa sa tanggapan ng Provincial Prosecutor sa Lungsod ng Malolos Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Munti LGU nagtatag ng support group para sa mga batang may espesyal na pangangailangan

Munti LGU nagtatag ng support group para sa mga batang may espesyal na pangangailangan

NAGTATAG  ng support group para sa mga magulang ng batang may special needs ang pamahalaang …

QC quezon city

Sa Quezon City 
5 BARANGAY, NAKATAKDANG IDEKLARANG “DRUG CLEARED”

NAKATAKDANG ideklara ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QC-ADAAC) na drug-cleared ang lima pang …

shabu drug arrest

Umihi, nanapak ng parak
TRUCK HELPER HULI SA SHABU

PATONG- PATONG na kaso ang kinakaharap ng isang truck helper makaraang masita sa pag-ihi sa …

Navotas

2 teachers kabilang sa mga bagong scholar ng Navotas

DALAWANG GURO mulasa pampublikong paaralan ang kabilang sa nabigyan ng scholarship sa ilalim ng NavotaAs …

PNP QCPD

4 MWPs, timbog sa QC

APAT na most wanted persons ang naaresto ng  Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang …