Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stell Ajero Julie Anne San Jose

Sagupan nina Julie at Stell inaabangan

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANSWERED prayers ‘ika nga ng kanilang fans, dahil sa unang pagkakataon, magsasama sa isang concert stage sina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Stell ng SB19 para sa Julie X Stell: Ang Ating Tinig concert. Gaganapin ito sa July 27 at 28, 8:00 p.m. sa New Frontier Theater.

Anang supporters, can’t wait na sila sa big event na ito dahil tiyak maraming sorpresa at pasabog ang inihanda para sa first-ever concert nina Julie at Stell na produced ng GMA Synergy, GMA Entertainment, at 1Z Entertainment. Bukod sa pangmalakasang performances, excited na silang ma-entertain muli sa kulitan at playful banters ng dalawa na talaga namang kinagiliwan nila simula pa ng The Voice Generations

OMG I’ve been waiting for this. Fast forward to July 27-28 please,” komento ng isang netizen.

Diin naman ng isang fan, “Mahal ko kayong dalawa. At mamahalin at mamahalin pa.”

Hindi ko ito palalagpasin! Na-miss ko na ‘yung kakulitan ninyo sa The Voice. Good luck Coach Julie at Coach Stell!” anang isa pa.

Ready na ba kayo sa soundtrip courtesy of Julie and Stell? Available ang tickets  sa mga TicketNet outlets nationwide o through ticketnet.com.ph.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …