RATED R
ni Rommel Gonzales
OA na reactions mula sa viewers ang nakukuha ng high-rating primetime series na Black Rider sa muling pagbangon ni Elias (Ruru Madrid) para makamit ang hustisya. Kumbaga, hindi uso ang ‘nonchalant.’
Nag-uumapaw sa samo’tsaring emotions ang nadarama sa bawat episode kaya naman talagang tinututukan ang mga eksena. OA na excitement ang tiyak na napi-feel ng viewers dahil sa pagsasanib-puwersa ng mag-amang Elias at Senyor Edgardo (Raymond Bagatsing). Tapatang father and son nga raw ang mga susunod na gabi.
Hindi rin maitago ng viewers ang OA na pagkabahala kay Bane (Yassi Pressman) ngayong nasa poder na siya ni Pres. William. Mistula pang may binabalak sa kanya si Calvin.
At siyempre, hindi pa rin talaga mawawala ang OA na pagkamuhi ng viewers sa kasamaang patuloy na ipinamamalas ng mga kalaban. Gigil man sila, confident pa rin ang viewers na lalabas at lalabas ang katotohanan sa huli kahit pa anong paninira ang gawin ng interim president kay Black Rider.
Patindi nang patindi ang mga eksena kaya tutok lang.