MA at PA
ni Rommel Placente
MULA nang mahiwalay kay Daniel Padilla ay mas lalong sumikat si Kathryn Bernardo. Kumbaga, mas lalong umarangkada ang kanyang career.
Malaking factor din dito ang pagkakaroon niya ng wholesome image kaya patok siya sa mga advertiser.
Ayon sa kibitzers, ang tinaguriang Asia’s Phenomenal Superstar din daw ang tinaguriang Queen of Endorsements sa kasalukuyan.
Paano kasi approximately 28 big name brands ang nagtiwala sa kanya at dumarami pa ang patuloy na nagtitiwala bilang brand ambassador.
From beverage, food, haircare, skincare, at clothing products, nadagdagan pa ng telco, toothpaste, banko, energy drink, derma clinic, mattresses, vitamins, medicine, digital payments company at kung ano-ano pa ang kanyang ini-endorse.
Hirit pa ng kibitzers, kinabog na ni Kathryn sina Maine Mendoza, Marian Rivera, Anne Curtis, at Sharon Cuneta sa paramihan ng produktong ini-endorse.
Pagdating naman sa advertising campaign ng kanyang mga produkto, palaging bongga ang mga ito kaya naman damang-dama ang overwhelming support sa kanya ng advertisers mapa-TV, online, o billboards man.
‘Di ba nga, sinakop niya ang isang espasyo sa EDSA na namutiktik ang kanyang billboards na ‘di pa nangyari kahit kaninong celebrity.
Idagdag pa na at the age 28 ay isa na rin siyang matagumpay na businesswoman na bukod sa may sariling salon ay isa sa may-ari ng pamoso at high-end resort sa El Nido, Palawan.