Saturday , May 3 2025
PNP QCPD

4 MWPs, timbog sa QC

APAT na most wanted persons ang naaresto ng  Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon.

Inihayag ito kahapon ni QCPD Director, Police Brig. Gen. Redrico A. Maranan.

Ayon kay Maranan, ang akusado na si Alberto Enriquez, Jr., 29 anyos, tinaguriang No. 6 Station Level MWP, residente sa Brgy. Nova Proper, Novaliches, Quezon City ay naaresto dakong 3:30 pm nitong Miyerkoles, 25 Hunyo 2024 sa loob ng Novaliches Police Station Custodial Facility, Brgy. Nova Proper, Novaliches, Quezon City ng Novaliches Police Station 4 (PS 4) na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Reynaldo Vitto.

Si Enriquez ay may nakabinbing warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na inisyu ng Branch 98, Regional Trial Court (RTC), Quezon City.

Samantala, kinilala ni P/Lt. Col. Roldante Sarmiento, Station Commander ng Batasan Police Station (PS 6), ang akusado na si John Michael Tecson, 24 anyos, No. 7 MWP, residente sa Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Naaresto si Tecson dakong 4:00 pm, 25 Hunyo 2024 sa New Quezon City Jail-Quarantine Facility, Payatas Road, Brgy. Bagong Silangan-Payatas, Quezon City.

Si Tecson ay may warrant of arrest sa kasong RA 9165 na inilabas ng Branch 127, RTC, National Capital Judicial Region, Caloocan City.

Habang dakong 9:10 pm nang araw na iyon, sa No. 44-D Matimpiin St., Brgy. Pinyahan, Quezon City, ang Kamuning Police Station (PS 10) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Robert Amoranto, ay naaresto ang 16-anyos binatilyo, nakalista bilang No. 5 MWP, residente sa Brgy. Pinyahan, Quezon City.

May warrant of arrest ang binatilyo sa kasong Acts of Lasciviousness at Sexual Assault na inisyu ng Branch 43, RTC, Manila.

Naaresto rin ng Eastwood Police Station (PS 12) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Macario Loteyro ang kanilang No. 3 Station Level MWP na si Benz Centeno Ayuban, 18 anyos, residente sa Santa Cruz, Antipolo City, dakong 3:22 pm, nitong Lunes, 24 Hunyo 2024 sa harap ng Chowking sa Marcos Highway, cor. JP Rizal Ave., Pasig City.

May nakabinbing warrant of arrest si Ayuban sa kasong Statutory Rape na inisyu ng Branch 72, RTC, Fourth Judicial Region, Antipolo Rizal.

Ang mga hukumang pinagmulan ng utos ng mga pagdakip ay aabisohan sa pagkaaresto ng mga akusado.

“Ang matagumpay na pag-aresto sa mga suspek ay patunay ng aming patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad. Ito ay babala sa lahat na ang hustisya ay laging mananaig at walang makatatakas sa mahabang kamay ng batas,” pahayag ni Maranan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Makato Aklan

Barangay leaders sa Aklan naghain ng DQ vs vote buying

DALAWANG barangay captain mula Makato, Aklan ang naghain ng petition for disqualification sa Commission on …

3-araw Graffiti Mural Arts Festival tagumpay sa Taguig

3-araw ‘Graffiti Mural Arts Festival’ tagumpay sa Taguig

MATAGUMPAY na nairaos ng lungsod ng Taguig ang ikatlong taon ng Meeting of Styles (MOS) …

050125 Hataw Frontpage

Cagayan De Oro Mayor Klarex Uy kinuwestiyon sa P330-M cash advances

HATAW News Team ‘UNDER HOT WATER’ si Cagayan de Oro Mayor Klarex Uy matapos ireklamo …

Bong Revilla

Bong Revilla nakipamuhay sa Mindanao panalo tiniyak sa makasaysayang baluwarte

SA LOOB ng dalawang linggo bago ang midterm elections ngayong Mayo 2025, muling pinatunayan ni …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong muling sinusuportahan si Bam Aquino, pinuri integridad at track record

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAHAYAG ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang suporta sa …