Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Njel de Mesa Malditas in the Maldives

Direk Njel may pa-test screening, ‘Wabi-sabi’ pinaiiral

HARD TALK
ni Pilar Mateo

TEST screenings. ‘Yan ang pauso niya sa kanyang mga pelikula.

Ang paniwala kasi ni Direk Njel de Mesa, walang masama na maimpluwensiyahan siya ng mga kritiko, miyembro ng entertainment press, mga kasamahan sa  industriya ng pelikula sa anumang masasabi lalo na kung kailangan pang mapaganda ang pelikula niya. Kahit pa nagawaran na ito ng parangal sa Japan.

Natutunan at pinaniwalaan ko ang isang kasabihan sa Japan. Wabi-sabi. Nothing is ever finished or perfect. Ako, hindi perfection ang hinahabol ko but excellence. Just so to polish my works kaya ako nagpapa-test screening. Bago maipakita sa mas maraming tao.”

Direk  Njel is a Palanca awardee sa ilan niyang mga naisulat na piyesa. 

Itong patuloy niyang ipinapa-test screen na Malditas in the Maldives ay nagtamo na ng mga parangal sa katatapos na Jinseo Arigato Film Festival sa Japan. Si Arci Muñoz ay nagwagi bilang Best International Film Actress, si Kiray as Most Versatile Comedienne, at si Direk Njel as Best International Director. 

Kaya sa kabila ng mga request na ipalabas na niya ito, mimabuti muna ng direktor na magdaos ng test screenings para sa ikagaganda pa ng kanyang pelikula.

Marami akong natutunan sa screening namin sa Japan. Napansin ko kung ano ang mga joke na bumebenta at hindi. Kung saan lumalaylay at saan sila pumapalakpak. Kaya gusto ko ring malaman ang opinyon ng marami  with the test screens we do.”

Kaya kapag naman na-polish ito nang husto ng NDM Productions ni direk Njel ipadadala na ito sa Netflix agad-agad. 

Pinansin ang pagiging glossy ng pelikula at mahusay na pagganap ng tatlong bida. Arci, Kiray, at Janelle Tee. Nagiging versatile sa pagpapatawa si Arci. Sumasabay pa si Kiray na napagsasama ang drama at komedi. Si Janelle naman na tinatalikuran ang pagpapaseksi ay may future na ipinamamalas sa pagda/drama.

Habang pinanonood mo ang pelikula, sumasaliw ka sa katatawanan na ibinabahagi ng mga bida, mabubuksan pa ang mas maraming layers na nakapaloob sa istorya nila. May eksenang iihitin ka na sa katatawa at babaliin ang emosyon mo sa ibabahagi pa sa kuwento nila.

May bahaging nakaiiyak.  Dahil hugot ito sa tunay na buhay. At sa dulo ng pelikula, lalabas kang masaya sa isang pelikulang gusto mong sana, hindi lang ikaw at mga nakasama mo sa test screening na ‘yun ang makapanood kundi mas marami pang mga tao. Sa sinehan man o sa streaming.

Promise! Hindi ka mabu-bore! 

Isa pa lang ito sa marami pang mga pelikula ni Direk Njel na ibabahagi sa ating mga manonood.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …