Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dinukot, binugbog, ninakawan  
71-ANYOS SENIOR CITIZEN TODAS SA ‘TRIP LANG’NG 5 BEBOT AT 3 KELOT
Higit P.3-M cash, alahas kinulimbat

062424 Hataw Frontpage

ni MICKA BAUTISTA

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang senior citizen na napagkatuwaang dukutin, bugbugin, at pagnakawan ng limang babae at tatlong lalaking sinabing mga kawatan sa City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na ipinadala kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang biktima na si Herminigildo Estonilo, 71-anyos, residente sa Block 33 Lot 30, Grand Villas, Barangay Loma de Gato, Marilao, Bulacan.

Nasakote ng mga awtoridad ang anim sa walong suspek na dumukot sa biktima na kinilala sa mga pangalang Russel, Jimmy, Jenny, Madel, Rowena, at Raquel habang ang dalawang kasabwat nilang nakatakas sa pagkakaaresto ay kinilalang sina Putot at Inday.

Ayon sa ulat, nagsimula ang krimen habang naglalakad ang biktima sa Kelsey Hills Subdivision, Brgy. Muzon Proper, CSJDM, Bulacan, dakong 5:25 pm kamakalawa ngunit biglang puwersahang isinakay ng mga suspek sa isang itim na Mitsubishi Adventure.

Kasunod nito ay brutal na sinaktan ng mga suspek ang biktima gamit ang baril at tinangay ang pera na nagkakahalagang P21,500 at samot saring alahas na tinatayang nagkakahalaga ng P320,000.

               Sa kabila ng matinding pinsala, nakatakas ang biktima sa pagkuyog ng mga suspek at humingi ng tulong sa duty security guard ng kalapit na subdibisyon na tumawag sa himpilan ng pulisya.

Agad tumugon, naglunsad ng hot pursuit operation ang mga tauhan mula sa PCP3, Intelligence Section, at CIDU ng SJDM CPS.

Humantong ang operasyon sa pagkakaaresto sa anim na suspek, ngunit nakatakas ang dalawa. Nabawi ang mga ninakaw na gamit kasama ang getaway vehicle.

Nakompiska mula sa mga suspek ang isang kalibre .38 revolver na may apat na bala, isang improvised handgun (sumpak), at apat na bala ng 12-gauge shotgun shell.

Sa kasamaang palad, idineklarang patay habang nilalapatan ng lunas ang biktima na isinugod sa ospital para sa mabilis na atensiyong medikal.

               Nagsasagawa ng malalimang background investigation ang mga awtoridad sa limang babae at tatlong lalaking pinaniniwalaang matagal nang namamayagpag sa kanilang mga illegal na transaksiyon at gawain.        

Nahaharap ang mga naarestong suspek at akusado sa kasong Robbery with Homicide na kasalukuyang nasa kustodiya ng SJDM City Police Station para sa nararapat na disposisyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …